Joshua gayang-gaya na ang acting ni John Lloyd

SEEN SCENE

image

John Lloyd Cruz

Vice sensitive ‘pag ang kanyang TOTGA ang topic! 

SEEN: Ang John Lloyd Cruz School of Acting ni Joshua Garcia sa official trailer ng Love You To The Stars and Back, ang pelikula na tinatampukan nila ni Julia Barretto.

SCENE: Hindi na natuto si Sharon Cuneta sa mga nakaraan na karanasan niya sa social media dahil patola pa rin siya sa kanyang mga basher.

SEEN: Absent kahapon si Vice Ganda sa It’s Showtime dahil may concert siya ngayong gabi sa Ansan Olympic Hall, Ansan, South Korea,

SCENE: Si Terrence Ro­meo ang bayani ng Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup. May sarili nang identity si Terrence kaya unti-unti nang nabubura ang intriga na siya ang greatest love ni Vice Ganda.

SEEN: Nagiging sensitive si Vice Ganda kapag tungkol kay Terrence Romero ang itinatanong sa kanya. Si Terrence ang TOTGA o The one that got away ni Vice.

SCENE: Ramdam na ramdam ni Ella Cruz ang pressure habang papalapit nang papalapit ang playdate ng Fangirl/Fanboy na ipalalabas sa mga sinehan sa September 6.

SEEN: Click sa televiewers ang Disgrasya character ni Paolo Ballesteros sa Bulagaan ng Eat Bulaga. Si Disgrasya ang impersonation ni Paolo kay Gracia, ang dancer na pinasikat noon ni Joey de Leon na Samantha Lopez na ngayon ang screen name.

comments powered by Disqus

mofuse.com