Angel inaming tinanggal ni Neil ang sumpang naramdaman! Mestisang aktres ’di sinipot ang finale ng serye

PIK PAK BOOM By Sol Gorgonio

image

PIK: Naging ser­yoso si Erik Santos sa mga sagot niya nang mapag-usa­pan na ang tungkol sa kaso nila ni Jo­bert Sucaldito.

Hindi raw siya puwedeng magbigay ng komento pagdating sa kaso dahil nasa korte na ito. Pero pagdating sa relasyon nila ni Jobert bilang magkaibigan, nalulungkot daw siya na umabot sa ganitong sitwasyon.

Pahayag ni Erik sa presscon ng pre-Valentine concert nilang #paMORE na gaganapin sa SM MOA Arena sa February 10,“Alam mo mahal ko naman ‘yun eh. Hindi ko nga alam kung bakit nangyari ‘yun.

“Kung ano man ‘yung nangyari, ginawa ko lang kung ano ang sa tingin ko ay tama. Ginawa ko lang kung ano sa tingin ko ang dapat kong gawin, and kung ano mang ‘yung mangyayari in the future, lahat ‘yan ay parte ng kung ano ‘yung…mangyayari man kung ano ‘yung mangyayari eh.

“Kumbaga, part ito ng kung sino ako bilang tao, and siguro kung ano man po ‘yung nangyari in the past ay lahat ay makaka-move on rin.”

Matagal bago niya sinagot kung ano ang gagawin sakaling magkita sila ni Jobert, dahil hindi raw niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya. Pero matagal na raw niyang napatawad si Jobert.

“Napakadali kong magpatawad. Hindi matigas ang puso ko. Pero siguro ‘yung limot hindi. Siguro nasa atin ‘yun dapat.

“Mahirap kasing kalimutan ‘yung mga bagay ‘di ba? Pero ‘yung forgiveness is there,” dagdag niyang pahayag.

PAK: Matatapos na ang drama series ng mestisang aktres, ang dami pang naglalabasang kuwento tungkol sa attitude niya sa set.

Hanggang sa last taping day ay hindi siya sumipot sa ‘di malamang dahilan. Keber naman daw sa staff kung hindi na siya sisipot sa last ta­ping day. Basta nandun ang kanilang bida.

Ang ending kasi ay isang bonggang event na dapat pagsasamahan nila ng bidang aktres, pero hindi na nangyari ‘yun dahil no show si mestisang aktres.

Kaya ang ending, pinatay na lang siya at nag-voice over na lang si bidang aktres.

Narinig ng isang source namin na nagsalita ang isang staff na hindi na raw talaga makakaulit sa kanila si mestisang aktres.

BOOM: Masaya ang mga judge ng Pilipinas Got Talent dahil maganda ang feedback at mataas ang rating sa pagsisimula ng naturang talent show.

Kaya ayaw nang sagutin pa ni Angel Locsin ang intriga kung bakit tinanggihan ni Luis Manzano ang hosting nitong show, na ang sabi raw ay personal reason kung bakit ayaw gawin.

Iniiwasan na lang nga ba niya si Angel?

Sagot ng Kapamilya actress, “Hindi kasi ako nangingialam sa decision making. Ayo­ko na magbigay ng komento dito nga­yong tahimik na ang lahat,

“Basta ako, alam kong meron siyang show na gagawin. Hindi naman mawawalan ng show si Luis. Isa siya sa pinakamagaling na host dito sa atin sa Pilipinas, at ako rin naman ginagawa ko lang naman kung ano ‘yung ibinibigay sa akin na trabaho. ‘Yun lang ang puwede kong sabihin.

Pagdating naman sa kanila ni Neil Arce, nilinaw ng aktres na wala naman daw silang itinatago ni Neil kaya nakapag-post siya ng kung ano ang totoong nararamdaman niya sa kasalukuyang karelasyon.

Napapangiting pahayag ni Angel, “Hindi naman ako nagtatago eh. Sana maintindihan nyo ako… ‘yung sa nahihirapan lang ako na lagyan ng label. Kasi sa amin kasi hindi namin nilagyan ng label eh.

“Kaya huwag n’yo sanang sabihin na nagtatago kami o nagpapa-tweetums kami.

“Medyo hirap lang kami sa sitwasyon na ‘yun, at ang laki ng elemento ni Neil para sumaya para maging happy yung 2017 ko kasi ‘yung 2016 ko parang isinumpa yata ako nun eh.”

comments powered by Disqus

mofuse.com