Korean actor balikan lang sa Korea ’pag bumibiyahe ng ’Pinas!

RATED A By Aster Amoyo

image

Boss Vic, Jin Ju Hyung, at Veronique

Hindi lamang Filipino artists ang nasa pangangalaga ngayon ng Viva Artists Agency (VAA) na pinamumunuan ng second daughter ng Viva Group of Companies big boss na si Boss Vic del Rosario na si Veronique del Rosario-Corpus kung hindi may halo na ring Japanese artists and lately ay isang Korean actor, si Jin Ju Hyung.

Si Jin Ju Hyung ay lumagda ng five-year co-management contract with VAA dahil gusto rin niyang makagawa ng projects both TV and movies sa Pilipinas.

Si Jin Ju Hyung ay isa sa mga artista sa K drama na Hwarang na kamakailan lamang ipinabas ng Kapamilya Network. Nakapareha rin siya ng ex-PBB (Pinoy Big Brother) housemate na si Devon Seron sa Fil-Korean movie na You with Me na ipinalabas noong nakaraang taon.

Bukod sa Korea ay kilala rin si Jin Ju Hyung sa ibang Asian countries inclu­ding Vietnam.

Unlike other Korean actors na hirap mag-English, hindi ito problema ni Jin Ju Hyung dahil ilang taon din siyang tumira ng Toronto, Canada at Singapore with his family dahil sa trabaho ng kanyang dad na isang architect.

Looking forward si Ji Ju Hyung na makatrabaho sa telebisyon o pelikula sina Sarah Geronimo, Anne Curtis, Erich Gonzales, Liza Soberano at ang magkasintahang James Reid at Nadine Lustre na napapanood umano niya sa YouTube.

Bukod sa Cebu at Boracay na napuntahan niya, gusto rin niyang makarating ng Palawan at iba pang magagandang lugar ng Pilipinas. Gustong-gusto rin umano niya ang Filipino food lalung-lalo na ang sinigang na baboy pero hindi pa niya nasusubukang kumain ng balut na gusto niyang i-try.

Lumagda ng kontrata sa Viva si Jin Ju Hyung last Tuesday afternoon direct from the airport from Korea at pagkatapos nito ay muli siyang bumiyahe pabalik ng Korea dahil sa iba pa niyang commitments na kailangan niyang harapin.

Come July ay may bago siyang teleserye na sisimulan sa Korea.

Kris naimpluwensiyahan ng BF na gumawa ng pera

Non-showbiz ang napapabalitang boyfriend ngayon ng Impostora star na si Kris Bernal na isang businessman na nakasama niyang magbiyahe sa South Korea noong isang taon at ngayon ay sa Iceland.

Malaki umano ang papel ng boyfriend ngayon ni Kris na nagngangalang Perry kung bakit  nagka-interes ang aktres sa pagnenegosyo.

comments powered by Disqus

mofuse.com