Andi binawi ang paglayas sa showbiz!

SHOW-MY By Salve Asis

image

Andi Eigenmann at Emilio Arambulo

Nakaka-two years na rin pala si Andi Eigenmann at ang model boyfriend niyang si Emilio Arambulo. Parang kailan lang nang nagkabalikan pa sila ng tatay ng anak (Ellie) niyang si Jake Ejercito. Heto at nagpapasalamat siya sa dalawang taon nilang pagsasama. “Hello Emilio, 
Today marks the 2nd year of knowing you, so here is a photo of you attempting to kick me out of the board. To remind you that no matter what you do, I ain’t goin nowhere girl. But seriously, THANK YOU for being you, and all that you do. For making it easy for me to become the best person I can be. I am perfectly fine being the funny one, as long as I am paired with you! Here’s to more islands to discover, waves to surf, food to eat, and even more hang loose-er years together!! Love yo,” ang mensahe ng aktres sa karelasyon sa kanyang Instagram account kahapon.

Nauna nang sinabi ni Andi iniwan na niya ang showbiz pero nang magkaroon siya ng TV interview recently ay klinaro niya hindi niya kayang talikuran ang trabaho.

image

Team Vhong

Team ni Vhong perfect 10 sa magpasikat

Wagi bilang Magpasikat champion ngayong taon ang team ni Vhong Navarro para sa nakakaantig na mirror dance act nito na nagpaiyak sa hosts at madlang people.

Nakakuha ng perfect score na 10 mula sa mga huradong sina Direk Rory B. Quintos, Marc Logan, Ina Raymundo, Janno Gibbs, at Maricel Soriano ang performance ng Team Vhong na tinalakay ang pagharap sa buhay nang mag-isa ngunit may pag-asa.

Panalo rin ng P300,000 para sa kanilang napiling charity ang buong team, na kinabibilangan din nina Hashtags Nikko, Tom, Bugoy, at Kid, at GirlTrends na sina Erin at Joana.

Pumangalawa naman at wagi ng P200,000 sina Vice Ganda, Jugs Jugueta, at Teddy Corpuz para sa madamdamin at enggrandeng performance nila tampok ang trending na kasalan ni Teddy at ng kanyang asawa.

Third placer naman sina Karylle at Jhong Hilario para sa kanilang kakaibang musical love story at may P100,000 para sa kanilang charity.

Nakatanggap naman ng parehong P50,000 bilang consolation prize ang team nina Anne Curtis, Ryan Bang, at Nadine Lustre at team nina Billy Crawford, Amy Perez, at James Reid. Nag-trending ang presentation nina Anne pero lagpak sila sa score ni Marya (Maricel) na binigyan lang sila ng 6 habang ang apat na sina Direk Rory, Marc, Ina and Janno ay 10.

Sa pagtatapos ng showdown nila, ang Tawag ng Tanghalan hurados naman ang nagpasikat at nagpabilib sa madlang people sa mala-Magpasikat performance na handog nila.

Kakaibang Rey Valera, Yeng Constantino, at Mitoy ang nasaksihan sa kanilang matinding rakrakan kasama si Louie Ocampo sa piano.

Naaliw naman ang mga manonood sa rap-hiphop version ng Waray Waray nina Jed Madela at Jaya na sinabayan pa ng beatboxing, habang isang nakakabilib na kundiman piece naman ang inawit ni Jolina Magdangal.

Nagpakitang gilas din sa hatawan si Ogie Alcasid, na nag-perform ng maglalatik dance, at sina K Brosas at Erik Santos na sumayaw ng singkil habang kumakanta.

Ipinamalas naman ni Gary Valenciano ang kanyang husay sa pagtugtog ng zendrum, habang budots dance naman ang handog ni Rico J. Puno sa pagtatapos ng number.

Itinodo na rin ng It’s Showtime ang huling linggo ng isang buwang eighth anniversary celebration nito dahil matinding bosesan din ang sinimulan noong Sabado sa Tawag ng Tanghalan Quarter 2 semifinals.

Humataw ang #ShowtimeLetsCelebr8 ang naging numero unong trending topic sa Twitter.

Ang Love Is… drama nina Alden Richards at Maine Mendoza ang nakabangga ng pagtatapos ng anniversary week ng It’s Showtime na nakakawalong taon na sa ere. Kuwento tungkol sa depression ang tema ng Love Is... ng AlDub.  

comments powered by Disqus

mofuse.com