Angel pinaghahandaansi Richard!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! By Boy Abunda

image

Angel at Richard

Nawala na ang karakter ni Angel Locsin bilang si Jacintha Magsaysay sa teleseryeng La Luna Sangre na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ayon sa aktres ay isa ito sa mga pinakamahirap niyang ginawang mga proyekto.

Malaki ang pasasalamat ng dalaga sa mga manonood na walang sawang sumusuporta sa nasabing serye. “Ako’y nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta sa moonstone trilogy especially dito sa La Luna Sangre, sa story nina Kathryn and Daniel. Maraming-maraming salamat at sana patuloy ang maging suporta nila. Madami pang magagandang mangyayari sa kanila,” nakangiting pahayag ni Angel.

Samantala, abala ngayon sa Pilipinas Got Talent bilang isa sa mga hurado ang dalaga. Bukod dito ay pinaghahandaan na rin ng dalaga ang isang bagong pelikulang pagtatambalan nilang muli ni Richard Gutierrez.

Shaina itinangging nasulot ang role ni Angelica sa serye

Sa Lunes ay magsisimula na sa Kapamilya network ang teleser­yeng Asintado na pinagbibidahan nina Julia Montes, Paulo Avelino, Aljur Abrenica, at Shaina Magdayao. Muntik na raw tanggihan ni Shaina ang role sa nasabing proyekto dahil siya ang magpapahirap sa karakter ni Julia rito. “When this was offered to me, I was set to say thank you for considering me and I really appreciate it. I was set to say thank you to Dreamscape na kinonsider nila ako sa role na ‘to. And sana sasabihin ko pero hindi ko ho kayang gawin,” kuwento ni Shaina.

May bulung-bulungan na para kay Angelica Panganiban dapat ang role na napunta kay Shaina ngayon. Pinabulaanan naman ni Shaina na pinalitan niya ang aktres dito. “When they presented it to me, I asked them, ‘Ito ba ‘yung role?’ because I just wanted it to be clear also. Pero sabi nila hindi because from ‘yung original story, nag-iba na raw talaga. Nagkaroon ng major changes story-wise. Hindi daw ang character na ‘yon. Although technically pareho ng theme, mayroon pa ring action, mayroon pa ring family at love interest,” paglilinaw ni Shaina.

comments powered by Disqus

mofuse.com