Cast ng Wildflower, may pa-thank you sa fans

MANILA, Philippines — Sa biglang pagkamatay ni Diego (Joseph Marco), ano kaya ang susunod na hakbang ni Lily Cruz (Maja Salvador)? Ano ang kinabukasan naghihintay sa Poblacion Ardiente?

Pakatutukan ang inaabangang pagtatapos ng hit ABS-CBN primetime series na Wildflower ngayon Biyernes (Feb. 9) na may live screening na magagapan sa Robinson’s Place General Trias Activity Area sa Cavite.

Tunghayan kung paano magtatapos ang makulay at maaksyong buhay ni Lily na isang taong sinubaybayan ng mga manonood, mapabahay man o online.

Bilang pasasalamat, isang palabas ang inihan­da ng cast sa Wildflower Pasasalamat show na magaganap pagkatapos ng live screening. Dito, makaka-bonding ng fans ang buong cast na nag­handa naman ng kani-kanilang production numbers at iba pang sorpresa.

Higit sa paghihiganti, ang Wildflower, na nilikha sa ilalim ng business unit na pinamamahalaan ni Ruel Bayani, ay isang makapangyarihang kwento tungkol sa lakas ng loob, determinasyon, at tatag ng isang babaeng ang hangad ay hustisya para sa kanyang pamilya at para sa kayang mga kababayan. Dala ang pag-ibig at pag-asa sa kanyang puso, ipinaglalaban ni Lily ang tama nang hindi nilalagay ang batas sa kanyang mga kamay.

Simula pa lang noong Pebrero 2017 ay nangu­nguna itosa ratings at trending din gabi-gabi sa social media. Natamo nito ang pinakamataas na national TV rating na 35.2% sa episode nito noong Oktubre 10 – ang pinakamataas na rating na naitala ng isang programa sa 6pm timeslot sa loob ng nakalipas na mga taon.

comments powered by Disqus

mofuse.com