Joanna Ampil nasapawan ni Mark!

SEEN SCENE

SEEN: Ang pasabog ni Mark Bautista ang biggest showbiz controversy sa unang linggo ng Pebrero pero dinedma ito ng ABS-CBN. Hindi nag­labas ang ABS-CBN ng report tungkol kay Mark at sa much-talked about autobiography nito, ang Beyond The Mark.

SCENE: Commendable ang desisyon ng ABS-CBN na huwag patulan ang Mark Bautista issue dahil sa proteksyon nila sa kanilang mga contract star.

SEEN: Special guest si Mark Bautista sa Love Wins concert ni Joanna Ampil pero siya ang pinag-uusapan, hindi ang award-winning singer-actress na star ng show.

SCENE: Malapit nang magwakas ang La Luna Sangre dahil ipinapa­kita na ng ABS-CBN ang trailer ng Bagani, ang drama fantasy series na ipapalit sa primetime show nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Ang Star Creatives ang producer ng upcoming television show nina Enrique Gil at Liza Soberano.

SEEN: Ang block screening kagabi ng Meet Me in St. Gallen sa Rockwell Powerplant Mall Cinema. Ang mga co-star ni Carlo Aquino sa Tanging Ina ang sponsor ng block screening ng pelikula na pinagbibidahan niya.

SCENE: Ang magandang bahay ni Kuh Ledesma sa Tagaytay City ang ginagamit na bahay ng karakter ni Dennis Trillo sa The One That Got Away.

SEEN: Nakaburol sa Heavenly Homes Garden Chapel sa Sta. Cruz, Lubao, Pampanga ang mga labi ng veteran director na si Argel Joseph na sumakabilang-buhay noong February 7.

SCENE: Ngayon ang huling araw sa telebisyon ng Impostora ni Kris Bernal at ng Wildflower ni Maja Salvador.

Ang The Stepdaughters ang ipapalit sa Impostora ng GMA at ang The Blood Sisters ang replacement sa The Wildflower ng ABS-CBN.

SEEN: Ang YouTube launch kagabi ng full trailer ng Never Not Love You, ang romantic drama movie nina James Reid at Nadine Lustre sa Viva Films. Inilabas ang full trailer ng Never Not Love You sa bisperas ng Revolution concert nina James at Nadine sa Smart Araneta Coliseum.

comments powered by Disqus

mofuse.com