Barbie pinasasama muna bago pagbidahin

SANGA-SANGANDILA By Veronica R. Samio

image

JM at Barbie

Pagbibidahin pala si Barbie Imperial sa isang bagong tele­serye ng ABS-CBN na may pamagat na Araw Gabi kapareha ng nagbabalik na si JM de Guzman. Pero bakit hindi pa nila ito inihanda para sa kanyang unang pagbibida?

Bakit ginawa pa nila itong kontrabida sa tumatakbong episode ng Gelli In A Bottle ng Wansapanataym? Hindi ito makakatulong para magustuhan ng mga manonood sa TV ang bagong leading lady. Hindi rin makakatulong sa nagbabalik na si JM ang madalas na makitang pagsasama nila ni Angelica Panganiban sa mga okasyon sa showbiz at maging sa labas ito.

Hindi nito mapapasikat ang JM/Barbie tandem at ang proyekto nilang ginagawa. Sana magets ito ng kanilang network para walang maging problema sa magiging pagtanggap sa bagong pareha.

Anne hinihintay kung ikakabit na rin ang apelyido ni Erwan

Kung nalaman agad na wala palang ibibigay na problema sa mga nag aasa­wang artistang babae na gamitin ang apelyido ng kanilang mga asawa ay baka noon pa ay Susan Roces Poe na ang biyuda ni Fernando Poe, Jr. at si Gloria Romero ay may Gutierrez nang kakabit sa kanyang pangalan.

Tatanggapin pala ng publiko hindi lamang ang pagbabago ng kanilang estado kundi ang mga bago nilang pangalan. Regine Velasquez-Alcasid na si Songbird, Vilma Santos-Recto na ang Star For All Seasons, Judy Santos-Agoncillo ang Drama Queen, Toni Gonzaga-Soriano, Iya Villania-Arellano ang mga nasabing TV hosts. Sumunod kaya rito sina Anne Curtis at Coleen Garcia?

Wendell nakakarigodon

Nasa GMA na pala si Wendell Alvarez. Hindi pa nalalaunan nang mapanood siya sa Wildflower pero agad siyang nainip sa bagong proyekto. Buti na lang at may nakahanda agad na serye sa kanya ang Kapuso Network.

Makakasama pa niya sa serye na pinamagatang Unanay si Superstar Nora Aunor, Cherie Gil, at Gardo Versoza. Bentahe rin yung pagkakaro’n ng mahigit sa isang TV network, nakapagri-rigodon ang mga artista.

comments powered by Disqus

mofuse.com