Janella belong na sa pamilya ni Elmo

PIK PAK BOOM By Sol Gorgonio

image

Elmo at Janella

JC napisil na best actor ng mga educator!

PIK: Isang grupo ng educators at estudyante ang pumili kay JC Santos na Best Actor sa magaling niyang pagganap sa 100 Tula Para Kay Stella.

Ang tindi raw ng mga nakalaban ni JC pero siya ang nagwagi at ia-announce nila sa isa sa mga araw na ito.

Magaling naman talaga si JC sa nabanggit na pelikula, kaya naman kampante si direk Sigrid Andrea Bernardo na mapapansin na naman siya rito sa pelikula niyang Mr. & Mrs. Cruz na magsu-showing na sa January 24.

Natutuwa raw siya sa kakaibang chemistry nila ni Ryza Cenon. Sa rehearsal pa lang daw nila bago mag-shooting, medyo naalangan pa silang dalawa, pero kalaunan naging kampante na at lumabas ang chemistry.

Sabi ni direk Sigrid, “Kinausap ko sila, na you know, ang chemistry kasi hindi lang ‘yan naituturo. Kailangan sa kanila din yan. So, kailangan nilang tulungan. And I’m really happy na sobrang winork nila ang chemistry nila.”

Nadadala na rin ni JC si Ryza, kaya effective ang performance nila sa pelikulang ito.

PAK: Naalala bigla ni Manay Lolit Solis ang dating alaga niyang sexy actress habang tinitingnan si Sylvia Sanchez sa presscon ng Mama’s Girl ng Regal Multimedia, na magsu-showing na sa January 17.

Nakaramdam siya ng panghihinayang na kung tumino lang daw ito at inayos ang buhay, malamang na mas natalbugan pa niya si Sylvia.

“Tingnan mo si Sylvia ngayon ‘di ba? Nabura na lahat ang mga isyu niya nun, ngayon isa na siya sa inirerespetong aktres.

“Nasa ‘yo talaga ‘yun eh, kung ano ang gusto mong mangyari sa buhay mo ‘di  ba?” pakli ng da­ting manager ng sexy actress na ‘yun.

Dito sa Mama’s Girl ay ibang klaseng atake ng isang nanay ang ipinu-portray ni Sylvia.

Sa trailer pa lang ay parang under-acting lang siya, at hindi ‘yung tipo ng ibang mother roles na ginampanan na niya.

“‘Yung sa trailer, wala pa ‘yun sa mapapanood n’yo sa buong pelikula.

Ang dami pa run na makikita sa buong movie,” pakli ni Sylvia.

BOOM: Isinama ni Elmo Magalona si Janella Salvador sa wedding nina Maxene Magalona at Robby Mananquil na ginanap sa Shangri-La Boracay kamakalawa lang.

Happy si Janella dahil tila bahagi na siya ng pamil­ya at very grateful raw siya sa magandang trato sa kanya ng buong pamilya ni Elmo.

“I’m so glad to be part of them,” pakli ni Janella.

Pero nung isinama ni Janella si Elmo sa family reunion nila nung nakaraang Pasko, may itinweet si Jenine Desiderio na tila ‘di nagustuhan ang pagdala doon sa leading man niya sa My Fairy Tail Love Story.

Iniiwasan na ni Janella na pag-usapan yun.

Sabi niya, “I’d rather not to talk about it, kasi I don’t want to make a big issue about it.

“Basta, I want to tell everyone na sana…I know what my Mom did was not private, but for me, res­pect na lang ‘yung privacy namin.”

Hindi rin niya deretsahang sinagot kung okay na ba sila ng kanyang Mommy.

“We’re resolving things…hopefully at the right time I know we’ll be okay. ‘Yun lang ang masasabi ko,” saad ni Janella.

comments powered by Disqus

mofuse.com