Pantapat sa pagkaadik ng mga Pinoy sa K drama

By Salve V. Asis

image

Kathryn at Daniel

KathNiel patok sa Vietnam, waging foreigntv actress and actor!

MANILA, Philippines — Walang kaduda-dudang sikat ang KathNiel hanggang Vietnam.

This year ay nanalo na namang Favorite Foreign TV Actress and Actor sina Kathryn Bernardo and Daniel Padilla, respectively, sa Blue Star Award – Face of the Year Awards sa nasabing bansa.

Sumikat doon ang kanilang teleserye na Got to Believe at Pangako Sa ‘Yo.

Nanalo rin sila dating 2015 Face of the Year Awards - acting award.

Nagkaroon na sila roon ng fans day two years ago.

At least man lang, pang-cover sila sa pananalasa naman ng K drama sa mga Pinoy. Dumarami ang Pinoy na nababaliw sa K drama na hindi nila sa TV pinapanood ha. Pati mga artista ay malala ang pagkagusto sa K drama at kasama riyan sina Anne Curtis and Bela Padilla. Maging ang mag-asawang Manny and Jinkee Pacquiao, Ogie and Regine Velasquez ay suki na rin ng Korean drama.

Pero siyempre iba ang addiction ni Nay Lolit Solis sa mga palabas ng kanyang paboritong Korean actor na si Jo In-sung.

Heart may paniniwala!

image

Kahit pala ubod ng sosyal si Heart Evangelista, may paniniwala siya.

Post niya kahapon, “Click your heels 3x for good luck! #happyweekend,” na ang picture ay ang kanyang Dolce & Gabbana shoes.

Kaya naman ang kanyang maraming followers, nag-message na gagawin na rin daw nila ang ganun.

Medyo malungkot ngayon si Heart dahil nga nag-last day na kagabi ang My Korean Jagiya. Thankful and sad siya sa pagtatapos kagabi ng My Korean Jagiya. Thankful siya na tinanggap siya sa nasabing feel good series at minahal ang kanyang character. Sad dahil itinuring niyang pamilya ang buong staff and cast. Hoping siyang makaka­trabahong muli sila.

Anyway, ini-expect nilang this year na sila magkaka-baby ni Sen. Chiz Escudero.

Sandata ni Sarah trending agad

Trending agad ang bagong single ni Sarah Geronimo na Sandata na nagkaroon ng launching kahapon.

Nasabik ang fans ng pop superstar kaya naman nung isang araw pa sila naghihintay sa nasabing kanta ni Sarah.

Nasa Spotify na ang Sandata, at in all fairness libu-libo agad ang plays nito.

Umaabot sa more than 2 million ang play ng bawat kanta ni Sarah na nasa Spotify.

comments powered by Disqus

mofuse.com