Kylie hindi pa rin bumabalik sa dati ang katawan

SEEN SCENE

image

Kylie

Catriona Grayover confident!; Juan dela Cruz ni Coco hinihiritang isali sa susunod na MMFF

SEEN: Ang family day nina Aljur Abrenica, Kylie Padilla at ng kanilang anak na si Alas sa isang mall sa Quezon City noong Huwebes. Mataba pa rin si Kylie, ayon sa mall goers na nakakita sa kanya.

SCENE: Ang balita na may phobia sa aso si Ruru Madrid kaya effort sa kanya na sanayin ang sarili na may kasamang aso sa mga eksena sa Sherlock Jr., ang coming soon primetime teleserye ng GMA 7.

SEEN: Si Ricardo Cepeda ang bida sa Honor: The Legacy of Jose Abad Santos, ang pelikula na may gala premiere sa February 24, 2018 sa AFP Theater. Producer ng The Legacy of Jose Abad Santos si Marina Benipayo, ang girlfriend ni Ricardo at grand niece ni Jose Abad Santos.

SCENE: Ipinagdiwang kahapon ni Piolo Pascual ang kanyang 41st birthday. Ang mag-produce ng mga pelikula ngayong 2018 ang goal ni Piolo.

SEEN: Ang mga obserbasyon na overrated candidate sa Bb. Pilipinas 2018 si Miss World Philippines 2016 Catriona Gray dahil mas marami ang magaganda at matatalino na contestant kesa sa kanya kaya hindi siya dapat maging kampante.

SCENE: Napag-iwanan ni Snooky Serna ang mga Underage co-star niya na sina Maricel Soriano at Dina Bonnevie dahil habang nagkakaedad, lalong gumaganda ang former child superstar. Si Snooky ang poor third kina Maricel at Sharon Cuneta sa mga sikat na young actress noong dekada ’80.

SEEN: May special participation si Fabio Ide sa The One That Got Away ng GMA 7 bilang masugid na manliligaw ni Rhian Ramos.

SCENE: Ang suggestion kay Coco Martin na pagkatapos ng Ang Panday, isapelikula niya at isali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 ang kanyang dating top rating primetime teleserye sa ABS-CBN, ang Juan dela Cruz.

comments powered by Disqus

mofuse.com