Maine at Alden tuloy na ang ligaya!

RATED A By Aster Amoyo

Magmula nang ilabas ni Maine Mendoza ang kanyang bukas na liham sa fans at sa publiko nung November 26 ay hindi na ito nag-report sa Eat Bulaga up to this day kaya iba’t ibang espekulasyon ang patuloy na naglabasan.

Maging ang mga taga-TAPE, Inc. o mga kasamahan niya sa Eat Bulaga ay ayaw ding magbigay ng komento kung ano nga ba ang status ngayon ng other half of the pheno­menal loveteam nila ni Alden Richards. Ayon naman sa lead star ng Metro Manila Film Festival (MMFF) movie na Meant to Beh na si Vic “Bossing” Sotto, hindi uma­no suspended sa programa si Maine at babalik pa ito sa  noontime show at magpapatuloy ang loveteam nila ni Alden. Pero pagda­ting sa personal matters ni Maine ay walang alam ang mister ni Pauleen Luna.

Kailangan lang siguro ni Maine ng bakasyon at space.

Samantala, labas na ang December-January issue ng Preview Magazine kung saan si Maine ang nasa cover.

First time marahil ng Preview Magazine na ta­nungin ang kanilang readers kung aling picture o pose ni Maine ang gusto nilang maging pabalat ng magazine.

JC at Sue walang chance magkarelasyon

Hindi na puwedeng i-link sa isa’t isa ang Kapamilya stars na sina JC Santos at Sue Ramirez dahil pareho na silang taken. Si JC sa theater actress na si Joan Kristine “Teetin” Villanueva at si Sue naman sa member ng Boyband PH na si Joao Cons­tancia.

Sina JC at Sue ay unang nagkasama sa reali­ty show na I Can Do That at ngayon sa upco­ming Metro Manila Film Festival movie na Meant to Beh.

Isang taon pa lamang sa showbiz si JC pero sikat na sikat na ito ngayon. Thanks to his Alejandro “Ali” Nicasio role sa now-defunct TV series na Till I Met You nina James Reid at Nadine Lustre.

First MMFF movie ni JC ang Meant to Beh at isang malaking karangalan para sa kanya na makatrabaho niya for the very first time ang mga hinahangaan niyang sina Bossing, at Dawn ganundin ang Kapuso young stars na sina Gabbi Garcia at Ruru Madrid, Andrea Torres at Baeby Baste. Kasama rin sa movie ang kapwa niya Kapamilya na sina Daniel Matsunaga, Sue Ramirez, at Thou Reyes.

comments powered by Disqus

mofuse.com