Ogie tinulungan si Bruno Mars

SANGA-SANGANDILA By Veronica R. Samio

image

Ogie at Bruno Mars

Magandang promo para sa nalalapit na concert ni Bruno Mars ang gina­wang pagbili ng ticket ni Ogie Alcasid para lamang mapanood ang sikat na foreign artist na may dugong Pinoy. At kung ang pagtatapon ng napakalaking halaga ng mga karaniwang Pinoy para sa mga ga­nitong palabas ay isa nang karaniwang pangyayari, bakit kailangang pagtakhan kung gawin din ito ng isang sikat na local ta­lent na mas may pera? 

Tayong mga Pinoy ay proud at mas mada­ling maka-relate sa mga kapwa natin Pilipino, lalo’t sikat. Hindi rin naman marahil nalalayo ang halaga ng mga ticket ng #paMORE,na pre-Valentine concert nina Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Martin Nievera at Erik Santos sa February 10, pero talagang unfair na mas mahal ang mga tiket para sa concert ng mga foreign  artist.

Ryza inaabangan kung mabubura ang koNtrabida image

Malaking sugal ang ginawa ng Viva para ilunsad ang karera ni Ryza Cenon sa pelikulang Mr. & Mrs. Cruz.

Kontrabida ang pagtanggap ng manonood sa Kapuso actress dahil sa serye niyang Ika-6 Na Utos. Bida naman siya sa Mr. & Mrs.Cruz. Kung magagawa ng pakiki­pagtambal niya kay JC Santos na mapalambot ang kanyang imahe ay malalaman oras na maipalabas ang pelikula nila sa January 24.

Bukod kina Ryza at JC, malaking pressure rin ang sinusuong ni direktor Sigrid Andrea Bernardo para mapantayan o mahigitan ng Mr. & Mrs. Cruz ang tagumpay ng idinirek nitong Kita Kita nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez.

Andre at Mikee may dating sa fans

Kailangang-kailangan ni Andre Paras na makatagpo ng isang kapareha na kakagatin ng masa para sa kanya. Nawala na si Barbie Forteza na kung kani-kanino na ipinapareha ng GMA, pero hindi na sila sinusugalang muli. 

Nabigyang pag-asa ang followers niya kay Mikee Quintos dahil magkasama sila uli sa Sirkus. Parehong single ang dalawa kaya nakakita ng kahit mun­ting pag-asa ang fans na mag-klik ang dalawa.

Naging close ang dalawa nang magkasama sa isang bakasyon sa Amerika matapos ang Encantadia. Dun lang inamin ni Mikee na wala na sila ni Louie Pedroso ng T.O.P. na matagal na panahon din niyang itinanggi.

 Snooky umaasa sa ikatlong gloria

Isa kami sa natutuwa na sa kabila ng dalawang failed marriages niya kina Ri­chard Cepeda at Niño Mendoza ay umaasa pa rin si Snooky Serna ng pangatlong gloria sa pag-aasawa.

Mayroon siyang karelasyon sa kasalukuyan na inaasahan niyang makakasa­ma sa kanyang pagtanda.

Happy na ang dating asawa na si Richard sa piling ni Marina Beni­pa­yo na itinatratong parang mga tunay ding anak ang dalawang dalaga niya.  Parehong magagandang dalaga ang mga anak ni Snooky, pero walang kagustuhang mag-artista.

comments powered by Disqus

mofuse.com