Hashtag Franco na nasa ataul, pinagkakalat din ng mga walang respeto!

ABOUT SHOWBIZ By Nitz Miralles

Ipinagbawal din ng pamilya ng Hashtag member na si Franco Hernandez na kunan ito ng picture habang nasa casket. Ang Cornerstone Entertainment na nagma-manage ng career ni Franco ang nanawagan sa fans via Twitter ng “In this tring time, please stop posting or retweeting photos of Franco inside the casket as a sign of respect for his family and friends. Please report such tweet when you see it on your timeline.”

Kaya lang, may mga pasaway talaga at hindi pa rin sumusunod sa panawa­gan. May kumakalat pa ring picture ni Franco na nasa casket sa Facebook tulad ng ginawa kay Isabel Granada.

Binisita pala uli namin ang Instagram (IG) ng GF ni Franco na si Janica Flores­ca at napansin naming deleted na ang video nito after the accident. Ipinakita ni Janica ang mga sugat niya sa hita at binti at ang nakakaiyak na message. Pero wala na ang video nila ng BF bago ang insidente.

Ang bagong video post nito ay noong sagutin niya si Franco na masayang-masaya, “Sana mahal masaya ka dyan sa taas.”

Marian hina--hunting din ng fans sa Cambodia at Malaysia

Mukhang pupunta rin sa Thailand si Marian Ri­vera para mag-promote ng Carmela dahil sa post nito na “Sawadee ka, Thailand! I’m so excited for the showing of Carmela. I hope you like it and i hope to see you soon. Kap kun ka!”

Kailangan lang ayusin ang ta­ping schedule ni Marian ng Super Ma’am para makapunta sa Thailand. Galing na roon si Alden Ri­chards at mas maganda nga naman kung pati siya ay makikita ng personal ng Thais.  

Mahihirapan lang ng kaunti na ayusin ang schedule ni Marian dahil may three shows siya sa GMA 7 at ang Super Ma’am ang mas kumakain ng kanyang oras.

Nagre-request din pala ang fans ni Marian sa Cambodia na puntahan sila maging sa bansang Malaysia kung saan ipinalabas ang Carmela last year.

Hindi na rin maasikaso ni Ma­rian ang Flora Vida flower business niya at nabanggit sa contract signing niya sa Kultura Filipino na baka sa December na niya maharap ang Flora Vida.  

Anyway, thankful si Marian sa napanalunang Best Female TV host sa Star Awards for TV.

Megan at Katrina papalit sa Ika-6

Ang dinig namin magsasama sa afternoon teleserye na Stepsisters sina Megan Young at Katrina Halili. For next year na ang airing nito at parang ito ‘yung teaser ng dalawang batang babae na naglalaro kung saan natumba ang isa.

Anyway, si Albert Langitan ang director ng Stepsisters, kasunod ito ng hit soap niyang hawak na Impostora. Ang sabi, ang Stepsisters ang papalit sa Ika-6 Na Utos.

First time magkakasama sa soap nina Katrina at Megan na parehong produkto ng Starstruck.

Yari si Elmo

Janella may chemistry kay Jameson!

Nagsimula na pala ang shooting ng So Connected, ang bagong pelikula ni Janella Salvador kapareha si Jameson Blake. Napaaga ang shooting sa direction ni Jason Laxamana.

In all fairness, sa look test pa lang, kinakitaan na ng chemistry sina Janella at Jameson. Yari si Elmo Magalona.

For next year na ang playdate ng So Connected, at mga bandang June raw dahil kung makakapasok sa 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang My Fairy Tail Love Story ay hanggang January 2018 ang showing nito. Kaya malabong maipa­labas agad ang So Connec­ted.

comments powered by Disqus

mofuse.com