ABS-CBN may pa-costumer loyalty program!

MANILA, Philippines - Inilunsad na ng ABS-CBN ang Kapamilya, Thank You, ang pinakabago nitong customer loyalty program para sa mga Pilipino na tumatangkilik ng iba’t ibang produkto at serbisyo ng Kapamilya network.

Makakakuha ng points na magagamit para makatanggap ng rewards ang bawat member ng Kapamilya, Thank You tulad ng meet and greet with a Kapamilya star, tickets sa ABS-CBN Studio Tours at shows katulad ng ASAP at It’s Showtime, freebies mula sa ABS-CBN Store, libreng access sa KBO ng ABS-CBN TVplus at SKY Pay-Per-View, at libreng SMS, data, o calls gamit ang ABS-CBNmobile.

Para maging member, kailangan lang mag-register for free sa thankyou.abs-cbn.com at i-enroll ang mga produkto at serbisyo ng ABS-CBN at Sky Cable kung saan subscriber ka.

Pagkatapos mag-register, pwede nang makaku­ha ng Thank You Points sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan tulad ng panonood ng Kapamilya shows on TV o iWant TV, pag-enter ng hashtag of the day, pagbabayad ng Sky Cable bill, pag-reregister sa ABS-CBN TVplus KBO, at paglu-load sa ABS-CBNmobile SIM.

Kapag nakaipon na ng Thank You Points, pwe­de na itong gamitin para makatanggap ng gifts at iba pang rewards na mapagpipilian sa website (thank­you.abs-cbn.com) tulad ng libreng tickets sa Kapamil­ya shows. Pwede ring i-donate ang naipong Thank You Points sa ABS-CBN Lingkod Kapamilya.

Samantala, para sa mga Kapamilyang mayroon ng accounts sa kahit anong ABS-CBN website tulad ng iWant TV, pwedeng gamitin ang registered email at password para mag-sign up sa Kapamilya, Thank You. Valid ang membership sa Kapamilya, Thank You kapag active ang paggamit nito sa loob ng anim na buwan.

Ang ABS-CBN din na ngayon ay nagtra-transition na maging digital company ang unang TV network na naglunsad ng rewards program para sa kanilang loyal customers.

Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa thankyou.abs-cbn.com.

comments powered by Disqus

mofuse.com