Nag-unfollow naman sa isat isa, Sharon at Gabby, walang kasawaan sa `gimik`

ABOUT SHOWBIZ By Nitz Miralles

image

Sharon at Gabby

May lumabas na balitang si Gabby Concepcion ang papalit kay Edu Manzano bilang Master Bluffer ng Celebrity Bluff at ang sabi pa, magsisimulang mag-taping si Gabby sa April 9. Natuwa ang fans ng aktor dahil mapapanood nila uli ito dahil na-miss nila ito nang magtapos ang Ika-6 Na Utos.

Sa mga nagtatanong ng next teleserye ni Gabby, abang-abang lang at may inaayos na ang GMA 7.

Samantala, may parehong post na quotation card sina Gabby at Sharon Cuneta na galing kay Isaiah Hankel. Naunang mag-post si Gabby at sumunod si Sharon, ang kaibahan, sa post ni Gabby, naka-open ang comment box, samantalang si Sharon, disable ang comment box.

“Don’t ever feel bad for making a decision about your own life that upsets other people. You are not responsible for their happiness. You’re responsible for your own happiness. Anyone who wants you to live in misery for their happiness should not be in your life to begin with.”

Ang feeling ng fans, patungkol ito ni Gabby sa nabulilyaso na namang reunion movie nila ni Sharon. Mukhang na­ging dahilan ‘yun para magkaroon uli ng gap sina Sharon at Gabby na ikinalungkot ng kanilang fans. Wish nila maging maayos uli ang samahan ng dalawa, pa-birthday gift nila sa anak nilang si KC  na birthday sa April 7.

Pero ang latest nga ay nag unfollow na sila sa isa`t isa sa Instagram account.

Benjamin at Julie Anne ayaw paawat sa I love you-han 

Nag-birthday si Benjamin Alves noong March 31 kaya naman isang heartwarming birthday message ang pinost ng GF nitong si Julie Anne San Jose sa Instagram nito at may kasamang silhouette photo ng aktor.

“Though there are depths of space and land between us at this moment, this simply goes beyond the stars: may your heart be filled with bliss and I wish that all your heart’s desire do come true. Happy birthday love,” emote pa ni Julie Anne.

Sumagot si Benjamin ng“Thank you love.”  Sa IG ni Benjamin, nag-“@benxalves love youuuu” si Julie Anne at sinagot siya ng BF ng, “@myjaps je t’aime” na French word ng “I love you.”

Maganda ang relasyon nina Benjamin at Julie Anne dahil hindi sila love team, walang pressure at walang demand ang kanilang fans na lagi silang magkapareha sa mga project na kanilang ginagawa.

Puwedeng ipareha si Benjamin kahit kanino at ganun din si Julie Anne na sa bagong musical serye na My Guitar Princess ay sina Kiko Estrada at Gil Cuerva ang leading men.

Myke ‘di naapektuhan ang raket sa pag-alis ni Aicelle

Isa sa pinaka-busy na talent ng ALL KAPS ni Noel Ferrer si Myke Salomon dahil kahit hindi na­tuloy ang musical teleserye na bida sana si Aicelle Santos at kasama siya sa cast.

Siya ang musical director ng nagbabalik na Rak of Aegis na mapapanood sa PETA pa rin mula June hanggang September.

Naka-schedule naman sa last week ng July ang Ang Hu­ling El Bimbo na mapapanood sa Resorts World. Ga­ling sa isa sa hit song ng Eraserheads ang title ng musical play featuring the songs of Eraserheads at tiyak, marami ang manonood nito.

Renz effective sa kabaklaan

Closet gay na nag-out din ang role at karakter ni Renz Fernandez sa The One That Got Away at bilang si Gab, effective na beki si Renz. Sa simula ay hindi aakalaing beki siya dahil lalaking-lalaki kumilos at magsalita. Ang giveaway lang na may kakaiba sa karakter niya ay ‘yung kulot niyang buhok.

Hindi namin alam kung first time gumanap na beki si Renz. Bago mawala ang karakter niya sa TOTGA, magandang malaman kung sino ang peg niya.

comments powered by Disqus

mofuse.com