Kris laglag ang pangalan sa Crazy Rich Asians

RATED A By Aster Amoyo

image

Kris

Alam mo, Salve A., hinanap ko nang husto ang pangalan ni Kris Aquino sa cast ng Crazy Rich Asians na idinirek ni Jon M. Chu based on the best-selling novel of Singapore’s book author na si Kevin Kwan, pero hindi ko talaga nakita. Mabuti pa ang panga­lan ng Filipino comedian ng Superstore na si Nico Santos ay nakita ko. Nico played the role of Oliver T’sien.

Bakit kaya?

Ang Crazy Rich Asians na nakatakdang ipalabas sa Amerika in August this year by Warner Bros. ay tinatampukan nina Henry Golding at Asian actors tulad nina Constance Wu, Gemma Chan, Awkwafina, Sonoya Mizuno, Michelle Yeoh, Chris Pang, Jing Lusi, Jimmy O. Yang, Ken Jeong, Lisa Lu, Remy Hii, at iba pa.

Speaking of Kris, nakalipas ang taong 2017 ay wala itong sa­riling TV show na pinagkaabalahan pero naging busy naman siya sa ibang bagay tulad ng product endorsements at pagtutok sa kanyang mga itinayong negosyo. Of course, walang puwedeng kumuwestiyon sa pagiging hands-on single parent ni Kris sa kanyang dalawang anak na sina Joshua at Bimby.

At sa mga nagmamatyag sa naging love affair nina Kris at Mayor Bistek (Herbert Bautista), marami ang naniniwala na ti­ming lamang siguro ang hihintayin ng dalawa at malamang na sila pa rin sa bandang huli.

Klea pang beauty queen na ang aura

Isa kami sa ginulat ng 18-year-old Kapuso young actress na si Klea Pineda nang ito’y dumating sa presscon ng pinakabagong adventure-fantasy TV series na Sirkus na matutunghayan simula sa Janua­ry 21. Ito’y produced ng GMA Public Affairs team.

Pang-beauty queen ang dating ni Klea na hindi naman kataka-taka dahil siya ang tinanghal na Miss Photogenic sa Asian Supermodel contest na kanyang nilahukan sa Saipan nung isang taon kung saan ang ibang participants ay nagmula sa iba’t ibang bansa sa Asia.

Ayon sa Kapuso teenstar, malaki umano ang naitulong sa kanya ng kanyang pagkakasali sa Asian Supermodel contest dahil na-boost dun ang kanyang self-confidence.

Bago ang Sirkus ay napanood si Klea sa TV remake ng Encantadia nung 2016.

Sylvia aligaga ang career

Nagpapasalamat si Sylvia Sanchez sa mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde ng Regal Films na muli siyang binigyan ng pagkakataon na gumawa ng pelikula sa bakuran ng Regal kung saan siya nagsimula nung taong 1988 sa pamamagitan ng pelikulang Kahit Ako’y Tupang Itim, May Langit Din na nasundan ng iba pang mga pelikula.

Habang patuloy na sinusubaybayan si Sylvia sa tumatakbong teleser­yeng Hanggang Saan, mapapanood naman siya sa pelikulang Mama’s Girl ngayong January 17. Ito’y dinirek ni Connie Macatuno at tinatampukan din nina Sofia Andres, Diego Loyzaga at Jameson Blake kasama sina Yana Asistio, Heaven Peralejo, Karen Reyes, Arlene Muhlach, Allan Paule, Alora Sasam at iba pa.

Ang Mama’s Girl ay pang-buena mano ng Regal Films sa taong 2018.

comments powered by Disqus

mofuse.com