Fun run para sa mga may sakit na lupus plantsado na!

ABOUT SHOWBIZ By Nitz Miralles

Sa muling pagharap ni Cong. Emmeline “Em” Aglipay-Villar sa entertainment press, inimbita nito ang gustong sumali sa Hope for Lupus Fun Run na gaganapin sa January 2018. Ibinalita rin nito ang launching sa 2018 ng dalawang librong Tagalog version tungkol sa sakit na Lupus. Sa February, may seminar kung saan, ituturo ang Do’s and Don’ts tungkol sa Lupus in cooperation with the Philippine Nutritio­nist & Dietitian.

Samantala, galing si DPWH Sec. Mark Villar sa opening ng TPLEX o Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway sa Pozorrubio, Pangasinan. Nag-chopper ito papunta sa presscon at pabalik ng Manila para iwas sa trapik.

Bukod sa TPLEX, ipina­kita rin ni Sec. Mark ang iba pang projects ng gob­yerno under the Build Build Build mantra ng Duterte admi­nistration. Bago raw matapos ang term ni Pres. Rody Duterte, maraming pagbabagong makikita ang taong bayan.

Parehong busy sina Sec. Mark at Cong. Em, pero sa New Year, makakapag-bonding sila at anak nilang si Emma Therese. Naaliw nga kami dahil kasama ng mag-asawa si Emma sa pagharap sa press.

Raymart ’di sumipot sa presscon ng comeback movie

Wala sa presscon ng Haunted Forest si Raymart Santiago dahil sa taping ng My Korean Jagiya. Ang mga kasama naman nito sa rom-com series na sina Alexander Lee at Andy Ryu ay hiniram naman muna para dumalo sa Christmas Party for the press ng GMA 7. Sayang at wala si Raymart sa presscon ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng Regal dahil comeback movie niya ito after ilang years na hindi paggawa ng pelikula. 

Sina director Ian Loreños, Maris Racal, Jameson Blake, Jo Lucas, at Jane Oineza lang ang nasa presscon. Naniniwala sila sa project at tiwalang papasok ng Top 3 sa box-office.

Gil matutupad na ang pangarap kay Marian

In-announce na ni Gil Cuerva sa Christmas Party for the press ng GMA 7 na maggi-guest siya sa Super Ma’am na pinagbibidahan ni Marian Rivera. Ang hindi nabanggit ni Gil, zombie ang role niya, pero with a twist.

Ang tsika sa amin, sa December 18 magsisimulang mag-taping si Gil at two weeks ang labas niya sa Super Ma’am. Sabi ng nakausap namin, excited na si Gil lalo na sa mga eksena nila ni Marian dahil isa ang aktres sa Kapuso stars na gusto niyang maka­trabaho.

Maraming projects na nakaabang for Gil next year.

comments powered by Disqus

mofuse.com