Daig… at All-Star Videoke may handog na kilig at good vibes

image

Max at Pancho

MANILA, Philippines — Hindi dapat palampasin ang Valentine episodes ng mga programa ng GMA na Daig Kayo Ng Lola Ko at All-Star Videoke ngayong Linggo (Pebrero 11).

Sa Daig Kayo Ng Lola Ko, kiligin sa istorya ni Lola Goreng (Gloria Romero) na Beauty and The Beast na bibigyang buhay ng real-life couple na sina Pancho Magno at Max Collins. Bakit nga kaya hindi dapat husgahan ang panlabas na anyo ng isang tao?

Samantala, katawa-tawang pagpapakilig din ang hatid nina Solenn Heussaff at Betong Sumaya sa All-Star Videoke kasama ang celebrity players na sina Megan Young at Mikael Daez; Gladys Reyes at Christopher Roxas; Divine at Shelly; Wilma at Terry; Angelu de Leon at Bobby Andrews; at Rich Asuncion at Benjamin Mudie. Sino kaya sa kanila ang makaligtas sa All-Star Laglagers na sina Donita Nose at Iyah Mina?

Kiligin at makitawa sa Daig Kayo Ng Lola Ko at All-Star Videoke ngayong Linggo (Pebrero 11) ng gabi sa GMA Sunday Grande.

comments powered by Disqus

mofuse.com