Hindi raw napaghandaan, Mariel thank you girl sa Miss International!

SHOW-MY By Salve Asis

image

Mariel de Leon

Inuna raw ang pagsawsaw sa mga isyu ng pulitika

Nganga as in luhaang babalik ng bansa si Mariel de Leon.

Thank you girl at ‘di man lang siya nakasama sa Final 15 ng Miss International 2017 coronation na ginanap kagabi sa Japan.

Ang puna ng mga nakapanood, hindi niya napaghandaan ang sinalihan dahil nga naging abala sa shooting ng pelikula nila ni Coco Martin na Ang Panday kesa sa pagti-training.

At kitang-kita nga naman na hindi perfect ang figure niya at maging ang paglakad niya ay parang hindi rumarampa.

Sabi pa ng ibang nakapanood, mas inuna rin daw kasi ni Mariel ang pagsali sa mga issue kesa sa paghahanda.

Maging ang mga isinuot ni Mariel particular na sa National Costume ay pinintasan pa.

Ang last na issue na nasangkot si Mariel ay ang tungkol sa depression issue ni Joey de Leon.

At ang the height, imbes na malungkot ang karamihan sa pagkatalo niya, natutuwa pa sila.

Kaya talagang natalo na nga siya, grabe, kinakawawa pa siya sa social media kahapon.

Dalawa naman sa mga nagtanggol sa kanya ay ang kapapanalo lang na Miss Earth 2017 Karen Ibasco.

“Don’t waste your time in giving negative comments. Let’s share love and not hate. ‪#MissInternational2017

“Dear Mariel, you fought a good fight. We know that you did your best.

“Thank you for representing our country in ‪#MissInternational2017,” sabi naman ng panlaban natin sa Miss World na si Rachel Peters.

Kay Miss Indonesia Kevin Lilliana ipinasa ni Kylie Verzosa ang korona kahapon.

May mga umasang magkakaroon ng back-to-back winner ang ating bansa kay Mariel, pero sadly, luhaan ang lahat.

Si Mariel lang ang masaklap ang naging kapalaran  sa international beauty pageant.

Kakapanalo lang ni Winwyn Marquez sa Miss Reina Hispanoamericana 2017 at ni Karen nga sa Miss Earth.

image

Heart

Heart bumwelo nang akusahang baog!

Hindi na nakatiis si Heart Evangelista nang hiritan siya ng isang basher ng “@iamhearte baog baog baog baog baog baog baog baog baog.”

Sumagot talaga si Heart na parang pigil na pigil. “@kaynegh – This account is a classic example of the many accounts created to basically hurt me and my family. It’s been happening for almost 6 years now after an incident where I was locked in a room and told that, ‘this’ would happen to me if I told anyone anything. I have remained quiet because I know the truth and believe God will deal with the rest...because the battle isn’t mine to fight but His.

“So I ask one more time to pls ignore pls don’t fight back, pls don’t be like them...because at the end of the day as my ‘fans’ you should carry my heart...It is hard but if I can do it and take it in for almost 6 years...you can too. God has been good to me so let it be. Thank you,” pahayag ni Heart.

Isa si Heart sa mga artistang paborito ng bashers sa tuwing magpu-post sa kanyang social media account. Buti na rin lang at marami siyang tagapagtanggol.

comments powered by Disqus

mofuse.com