Celine Dion naging polite sa pagiging transgender ni Jake Zyrus!

TAKE IT TAKE IT By Lolit Solis

image

Inaabangan ng fans kung panonoorin ni Jake Zyrus ang Manila concert ni Celine Dion sa July 19 dahil noong Charice Pempengco pa siya, naging bahagi ng singing career niya ang sikat na Canadian singer.

Imposible na malimutan ni Celine ang duet nila ni Charice noong 2008 sa Madison Square Garden.

Si Celine ang hinahangaan na singer ni Charice noong bagets pa ito at natupad ang wish niya na magkaroon ng duet dahil ginawan ito ng paraan ng kanyang ninang na si Oprah Winfrey.

Nang mainterbyu si Celine ng mga Pinoy reporter sa Las Vegas, tinanong siya tungkol sa bagong katauhan ni Charice na Jake Zyrus na ang ginagamit na pangalan ngayon.

Siyempre, naging polite si Celine nang sabihin nito na dapat igalang ang desisyon ni Charice na maging transgender woman. Alangan naman na magkomento ng negative si Celine dahil kung hindi maganda ang kanyang opinyon, sure na sure na makakatikim siya ng bashing mula sa LGBT community.

Mapapanood pa rin sa Internet ang makasaysayan na duet nina Celine at Charice sa Madison Square Garden, ten years ago.

Hindi maiwasan ng fans ni Charice na makaramdam ng panghihinayang sa tuwing napapanood nila ang walang takot na pakikipagbiritan ni Charice kay Celine na umani ng masigabong palakpakan mula sa American audience.

Manghinayang man ang fans ni Charice, wala na silang magagawa dahil hindi naman nila maibibigay ang personal happiness na hinahanap ni Jake Zyrus. Hoping na lang ang fans na mabibigyan si Jake ng special participation sa concert ni Celine sa Mall of Asia Arena para muling mangyari ang duet nila na isang dekada na ang nakalilipas.

Kung sakaling mangyari ang wish ng fans, huwag na silang umasa na bibirit pa nang husto si Jake dahil malaki na ang ipinagbago ng boses nito.

Shaina at Angelica tubig at dasal ang sandata para kalimutan si John Lloyd

Makikita ang strength of character ng isang tao kapag may pinagdaraanan na problema.

Naalala ko ang strength of character nina Shaina Magdayao at Angelica Panganiban na parehong ex-dyowa ni John Lloyd Cruz dahil visible sila ngayon sa pagpo-promote ng kanilang mga bagong teleserye at pelikula.

Na-remember ko na nagpunta si Shaina sa Our Lady of Lourdes sa France nang maghiwalay sila ni John Lloyd.

Nang mag-break naman sina John Lloyd at Angelica, nagbakasyon sa Phuket at sa Bali ang dalaga.

Mas type siguro ni Angelica na lunurin sa tubig ang heartaches niya samantalang dinaan ni Shaina sa pagdarasal ang sakit na nararamdaman.

Magkaiba sina Shaina at Angelica ng way to move on at gamutin ang sakit sa dibdib pero dito makikita ang mga karakter nila.

True na parehong naging tahimik ang dalawa tungkol sa nangyari as in wala akong narinig na mudslinging or washing dirty linens in public pero nakita natin kung paano sila naapektuhan.

Madalas na may hugot lines si Angelica na parang feel mo pa na hindi pa totally nagamot ang naiwan na sakit ng break-up nila ni John Lloyd. Si Shaina, kalmado lang dahil totally wala kang narinig mula sa kanya. Bongga talaga si John Lloyd na parehong maganda, mga sikat at bata ang ipinagpalit niya kay Ellen Adarna.      

Kahit sino sa tatlo, karapat-dapat sa pagmamahal ni John Lloyd pero isa lang ang puwedeng magwagi at si Ellen nga ito na magbibigay sa kanya ng baby.

Sana, maging friends pa rin silang lahat sa future kapag naghilom na ang mga sugat na nilikha ng break-up at kapag natagpuan na nina Shaina at Angelica ang mga mhin na deserving sa love nila.

comments powered by Disqus

mofuse.com