Edu lalayas na sa Celebrity Bluff?! AiAi at mapapangasawa nagpirmahan ng prenup agreement!

PIK PAK BOOM By Sol Gorgonio

PIK: Kahit aligaga si Richard Gomez sa res­ponsibilidad niya bilang alkalde ng Ormoc City, nandiyan pa rin daw ang interes niyang umarte. Pero mas prioritized daw muna niya sa ngayon ang mga ipinangako niya sa mga taga-Ormoc.

Hindi pa rin daw siya nawawalan ng alok na mag-soap pati sa pelikula pero tinanggihan niya muna ito. Ani Mayor Goma, “These past few months tinatanong ako kung gusto ko gumawa ng soap.

“Ang sabi ko gusto ko talaga. Ang problema lang natin ang schedule na dapat sa Manila lagi eh.

“Sabi ko, give me a little more time na gawin ko ang trabaho ko rito, tapos pag stable na, okay na, tumatakbo na lahat, I can do guestings once in awhile.”

Pinagkakaabalahan ngayon ni Ma­yor Goma ang kapistahan sa Ormoc na umaabot daw ng tatlong linggo ang selebrasyon.

PAK: May ilang nagkokomento na parang hindi nababagay si Edu Manzano sa Celebrity Bluff. Dalawang Sabado na naming natututukan ang naturang Comedy Game Show, at okay naman si Edu sa naturang programa. Mukhang lahat kasi ng sinasabi niya ay totoo kahit namba-bluff ito.

Pero iba pa rin talaga kung naroon si Jose Manalo dahil mas kuwela talaga sila kapag nagpapatawa kasama sina Boobay at Brod Pete. Ang mga comedy sketch kasi ang kaibahan nito kung ikumpara sa ibang game show.

Kaya ang latest na narinig namin, may bagong game show daw na ihu-host ni Edu na mismo. Iyun naman talaga ang bagay sa kanya. Pero hindi lang namin tiyak kung magiging bahagi pa rin siya sa Celebrity Bluff kung matutuloy ang game show na ito.

BOOM: Nagkaroon na pala ng pamamanhikan kina AiAi delas Alas at Ge­rald Sibayan noong nakaraang Biyernes ng hapon.

Kasama ang abugado nila, kaya mukhang nagkaroon ng pirmahan ng prenup agreement. Wala pa ring sinasabing eksaktong date ng kasal, dahil nasabi ni AiAi na baka hindi na raw sa susunod na taon ang church wedding. Baka itong taon na raw dahil sinabihan na sila ni Bishop Antonio Tobias, na puwede na silang magpakasal nga­yong taon.

Ang sinasabi pa rin ni AiAi sa ilang malalapit niyang kaibigan ay magpapa­kasal muna sila sa Amerika sa kaarawan niya sa November 11.

Pinaghahandaan na niya ngayon ang wedding gown na sagot ni Marian Rivera.

comments powered by Disqus

mofuse.com