Bela susubukan na ring magdirek!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! By Boy Abunda

Bukod sa pagiging aktres ay nais ding subukan ni Bela Padilla ang pagiging isang direktor sa pelikula. Pinaghahandaan na raw ito ng dalaga ngayon.

“Right now I’m interning under direk Joyce (Bernal) and direk Dan Villegas so I’m kind of studying. I also have work with Star Cinema soon but not acting work. Kasi I write di ba, so I wrote a script for Star Cinema. It is going to come out soon. Parang they gave me the idea rin, my friend, si direk Joyce at ‘yung team namin na parang if you can write, more or less meron kang mata for directing,” pagbabahagi ni Bela.

Kahit nakapagsusulat na ng script at gustong maging direktor ay mas bibigyan pa rin ng panahon ng aktres ang pag-arte. “I still love acting more. This is really the only thing I see myself doing. Kasi right now I only write scripts, but I treat that as extra job, pero ito (acting) talaga ang happy place ko ‘pag nasa set,” paliwanag ni Bela.

Umaasang maiibigan din ng dalaga ang trabaho ng bilang isang direktor kapag nasubukan na niya ito. “Sana I find the same level of love for directing as acting. Kasi I’m the type of person who doesn’t want to do things half-baked. So if I get into it, I should really get into it 100%. So far I have been interning, I can say that sobrang saya ko rin sa ginagawa ko ngayon,” pagtatapos ng aktres.

Gelli napi-pressure sa La Luna

Masayang-masaya si Gelli de Belen dahil muling nabigyan ng pagkakataon ng Kapamilya Network na makaganap sa isang teleserye. Kabilang ang aktres sa La Luna Sangre na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ayon kay Gelli ay isang bagong karanasan para sa kanya na makatrabaho ang tambalan ng KathNiel. “Happy set but of course minsan may konting pressure to finish certain sequences, because aabutan ng airing. Plus pressure to execute the script well and constantly wanting to improve what we can in each sequence we do. Hindi ko pa nakaeksena si Kathryn but DJ is a sweetheart. Charming boy and he radiates that charm hanggang sa screen that’s why he is loved by the viewers. Haven’t had many scenes with him but so far from what I have seen, he is natural. I think it’s also because he is comfortable with himself,” kwento ni Gelli.

Hanggang maaari ay hindi raw pinapanood sa telebisyon ng aktres ang mga eksenang kanyang ginagawa dahil nakaaapekto ito sa kanyang trabaho. “Minsan ‘pag naaabutan ko I watch. Watching my work helps sometimes para I can also correct myself but not all the time. It makes me also too conscious of my every action baka mawalan naman ng sincerity. So all in moderation I suppose,” paliwanag ni Gelli.

comments powered by Disqus

mofuse.com