Christian ayaw pang mag-asawa

By RATED A Aster Amoyo Christian Bautista

At 35, Christian Bautista is of age to settle down lalupa’t fit for a future wife ang kanyang kasintahan ngayon, si Kat Ramnani, music content head ng Globe Telecom. Pero mukhang ini-enjoy pa ng international hit maker ang kanyang pagiging single at relasyon nila ni Kat.

Bukod sa kanyang singing career, busy din ngayon si Christian sa kanyang pinakabagong tele­serye sa bakuran ng GMA, ang local TV adaptation ng hit na Koreanovela, ang Love From The Star where he plays the role of Vince, ang best friend ni Steffi (Jennylyn Mercado) na mahal na mahal niya.

Apat na taon na ring Kapuso si Christian matapos itong lumipat from Kapamilya Network in March 2013.

Ria mas hinihigpitan ni Arjo​

kaysa ng ama

Hindi marami ang nakakaalam na mas mahigpit pa si Arjo Atayde kumpara sa kanilang dad, ang negosyanteng si Art Atayde pagdating sa kanyang mga nakababatang kapatid laluna kay Ria Atayde na pumasok na rin ng showbiz.

Nu’ng una ay ayaw ni Arjo na mag-showbiz ang kanyang younger sister pero hindi niya ito napigilan. Besides, tinapos muna ni Ria ang kanyang pag-aaral sa De La Salle University where she took up Communication Arts bago siya nag-showbiz. 

Sinabihan ni Arjo si Ria na huwag itong makipag-boyfriend sa isang taga-showbiz at nangako naman ang dalaga.

Maganda at markado ang role na ginagampanan ni Ria sa My Dear Heart kaya madali itong nakilala ng mga manonood.

JC hindi nauubusan ng trabaho​

Matapos ipakilala si JC Santos sa Till I Met You nina James Reid at Nadine Lustre, may bagong teleserye na naman siyang pagkakaabalahan, ang Victims of Love kung saan niya makakabituin sina Julia Montes, Angelica Panganiban, Paulo Avelino, at Ms. Lorna Tolentino. May tumatakbo rin siyang reality show, ang I Can Do That na napapanood tuwing Sabado at Linggo ng gabi.

Hindi ikinakaila ni JC na meron siyang non-showbiz girlfriend, si Teetin Villanueva na nakilala niya sa University of the Philippines. Mag-a-apat na taon na rin halos ang kanilang r elasyon.

Zia certified fashionista na rin​

Napaka-cute ang two-year-old daughter ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Zia at hindi kami magtataka kung balang araw ay pasukin din nito ang mundo na ginagalawan ng kanyang equally popular parents.

Napaka-well-travelled ni Zia na ang pinaka-latest ay sa bansang Japan kung saan ay naisingit ng kanyang inang si Marian ang pag-aaral ng flower arrangement na may kinalaman sa flower shop na kanyang bubuksan, ang Flora Vida by Marian.

Just like her mom, si Zia ay napaka-fashionable na at ang kanyang mom na si Marian mismo ang namimili ng kanyang mga kasuotan.

comments powered by Disqus

mofuse.com