Ipinalit ni Alex kay Empoy mula sa may sinabing angkan

SANGA-SANGANDILA By Veronica R. Samio

Kung si Empoy Marquez ay may bagong kapareha sa The Barker na si Shy Carlos, hindi rin naman pahuhuli ang partner niya sa Kita Kita na si Alessandra de Rossi. Mayroon na rin itong bagong ka-romansa sa pelikulang 12, si Ivan Padilla na gumagawa na rin ng pangalan sa Hollywood.

Nagmula si Ivan sa angkan ng mga Padilla na nagsimula ang career sa Hollywood pero nagpas­yang dito na sa Pilipinas ituloy ang kanyang karera. Choosy pa rin si Alex sa mga role na tinatanggap niya. Kung humahanap ang mga manonood ng isang movie tulad ng Kita Kita, sa 12 ay mabibigo sila. Kakaibang pelikula ito na hindi para sa lahat, hindi puwede sa mga bata.

Seryoso ito, hindi rin nakakatawa, hindi pang-mainstream dahil indie na indie.

Hindi lang pang-kantahan, Moira Dela Torre pasadong artista

Malaki ang naitutulong ng The Good Son sa karera ang alumna ng The Voice of the Philippines na si Moira dela Torre. Marami ang naging interesado sa kanya simula nang marinig siyang kumakanta ng theme song ng nasabing serye na namamayani ngayon sa TV na Sundo.

Hindi ito first time ng talentadong singer/songwriter/lyricist  na gumawa ng kanta para sa isang serye sa TV at movie. Siya rin ang kumanta ng Torete para sa My Love From the Star, Malaya para sa movie na Camp Sawi, Saglit ng The Better Half at marami pang iba.

Gumagawa rin siya ng mga commercial jingles. Lalo pang dumami ang mga humahanga sa kanya nang malamang bukod sa mahusay siyang kumanta, gumawa ng kanta at lyrics ay maganda rin ito at puwedeng mag-artista. Pero hindi sa pag-arte nakapoko ang magandang dalaga kundi sa paggawa ng magagandang awitin at sa pag-perform nito. Sumali siya sa The Voice of the Philippines at kahit hindi siya nanalo ay nagbigay daan naman ito para siya makita at madiskubre sa mundo ng musika.

Susunod siyang makikita bilang interpreter ng Titibo Tibo sa Himig Handog. Tungkol ito sa isang babaeng kung kumilos ay parang lalaki na nagsimulang magpakababae nang magkaroon ng crush.

Donita tinuhog ang pelikula at charity

Nagpa-block screening pala si Donita Rose ng pelikula niyang Seven Sundays. Ginanap ito sa Resorts World Manila at ang kinita sa block screening ay ipinagkaloob niya sa charity. Hindi siya ang tampok na bituin sa movie kundi sina Aga Muhlach, Dingdong Dantes, Ronaldo Valdez, Enrique Gil, at Cristine Reyes, pero lubha siyang proud sa movie kung kaya ginusto niyang i-share ito sa marami at for a good cause.

Marami ang nagpapayo sa kanya na ibalik niya sa dati ang kanyang pangangatawan para makakuha pa ng mas maraming assignments, pero ang pagiging isang professional chef ang nagsisilbing balakid para niya ito maisakatuparan.

comments powered by Disqus

mofuse.com