Cristine umiiwas sa mga nega

PIK PAK BOOM By Sol Gorgonio

PIK: Muntik na palang umatras si Vivo Ouano sa sex-comedy stageplay na Solo Para Adultos dahil sa parang hindi raw niya kakayanin ang vulgar words sa mga dialogue.

Parang hindi na raw nababagay sa kanya ang role bilang may asawa’t dalawang anak na siya.

“Pamilyado na kasi ako, tapos dalawa na ang anak ko, nagdalawang-isip talaga ko nu’ng una.

“Pero nu’ng natapos ko ‘yung story, maganda siya.

“Malaswa talaga ‘yung salita pero siyempre, kung iintindihin mo naman ‘yung story, tatapusin mo, okay naman,” pahayag ni Vivo.

Inunti-unti raw niyang i-explain sa kanyang asawa kaya pumayag na rin ito. Ngayon ay natutuwa si Vivo dahil napapansin na naman siya at halos ubos na ang tickets nila. Kaya inaasahan nilang hindi lang sa October 20 mapapanood sa Music Museum kundi madagdagan pa ng playdate.

PAK: Ipinakilala sa pelikulang 12 ng Viva Films ang isa na namang miyembro ng Padilla clan na si Ivan Padilla.

Mas close raw si Ivan sa mag-inang Zsa Zsa Padilla at Karylle. Hindi pa raw sila nagkakilala at nagkita nina Robin at Daniel Padilla.

Ang na-meet lang daw niya nu’ng bata pa siya ay si BB Gandanghari na Tito Rustom pa ang tawag niya.

Madalas daw kasing dumadalaw si BB sa lolo niya na consul pa noon sa California kung saan siya nakatira.

“Si Tito Rustom pumupunta na siya sa bahay namin, may bago na siyang pangalan si Tita Gandanghari,” pakli ni Ivan.

Aware raw siyang nagbago na ng pagkatao ang Tito Rustom niya.

“I haven’t talked to him since na nagbago siya. Mas close kasi ako sa ibang side ng pamilya eh,” pakli ni Ivan.

Bukod sa Padilla family, mas close si Ivan sa pa­mil­ya nina Gloria Sevilla, at sinamahan pa nga siya ni Suzette Ranillo sa presscon ng pelikulang 12 na magsu-showing na sa November 8.

BOOM: Iniwasan sa presscon ng Spirit of the Glass 2: The Haunted na gawan ng isyu ang kasabay na playdate ng isa pang horror film ng Star Cinema na Ghost Bride. Pero mismong si direk Joey Reyes na rin na ang nagsabing maging positibo na lang daw sa mga isyung pinag-uusapan. Kagaya nitong pagtatapat ng dalawang horror films na magsu-showing sa November 1, sana parehong panoorin na lang daw ang dalawang pelikula, pero unahin muna ang Spirit of the Glass 2.

Personal na statement na lang daw ni direk Joey ‘yung mga ipinost niya sa kanyang Facebook account na na-betray siya, at labas iyon sa kanyang trabaho.

“Let’s remain positive. The personal has really got nothing to do when it comes to the world of the professionals. There are lessons learned and there is wisdom to be acquired,” pahayag ni direk Joey.

Nilinaw naman ni Cristine Reyes na pina­yagan daw siyang mag-promote ng pelikulang. Pero aware siyang meron talagang isyu sa pagtatapat ng dalawang horror films at nali-limit ang pag-promote niya sa ABS-CBN 2.

Ani Cristine, “Feeling ko merong ganun na isyu, pero ayokong pag-usapan ‘yan dahil sila ang nagkakausap diyan, wala ako dun.

“Pero ako puwede akong mag-promote kay Tito Boy (Tonight with Boy Abunda), sa ASAP. Puwede naman ako mag-promote.

“Basta kami ginawa namin ‘yung trabaho namin, nagpu-promote kami, basta kami ginawa namin ‘yung best namin.”

comments powered by Disqus

mofuse.com