Limang taon na ‘di pa nalilipatan, Rafael palpak ang nabiling bahay!

ABOUT SHOWBIZ By Nitz Miralles

image

Rafael

Nakatapos na naman ng isang teleserye sa GMA 7 si Rafael Rosell. Finale na ng Impostora this Friday pero hindi pa rin sila nakakalipat sa ipinatayong bahay sa Antipolo City. Five years in the making ang bahay at kung makalipat man sina Rafael ay luma na ito at may repairs na sigurong kailangang gagawin.

Nang makausap namin sa press visit sa taping ng Impostora ay nagpipigil ang aktor na magmura dahil sa delay ng pagtapos ng bahay na ipinagagawa.

Sa kuwento ni Rafael may problema sa installation ng electricity na sana naman madaliin ng Meral­co ang pagkabit ng electricity sa bahay nina Rafael para makalipat na ito bago pa maluma at masira ang bahay.

Nakakatawa nga dahil sa March ay matatapos nang bayaran ni Rafael ang bank loan niya pero hindi pa rin sila nakakalipat.

Ang konswelo na lang ni Rafael, maganda ang takbo ng career niya at ito ngang Impostora ay umabot ng six months bukod pa sa maganda ang feedback at mataas ang rating.

Habang wala pang next show, tututukan ni Rafael ang bahay.

KC hindi inaasahang magkakasundo sina Sharon at Gabby sa commercial

Napaaga ang labas ng TVC nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ng isang fastfood chain. Sa halip na bukas, ay ngayong Friday na ito mapapanood dahil sa public demand.

Siguradong isa sa mag-aabang ay si KC Concepcion.

Caption ni KC sa screen capture ng pag-follow ni Gabby kay Sharon, “Well played, fam. #NeverInMyWildestDreams.”

Intriguing naman ang post ni Sharon ng baby pictures ni KC na may caption na “Let’s do this, Papa and Mama!!! Soon...very, very, VERY soon!!! Oops!!! My papa and mama said “Shhh, baby girl!.” Feeling ng netizens ay may kasunod nang project na gagawin sina Gabby at Sharon.

Kiko in demand sa Regal

Humahataw sa pelikula si Kiko Estrada. Pagkatapos kasi ng My Fairy Tail Love Story na showing sa February 14 ay may next movie na siya sa Regal Entertainment. Kasama siya sa cast ng Walwal ng Regal pa rin and this time, si Joey Reyes naman ang director.

Kasama uli ni Kiko sa Wal­wal sina Elmo Magalona, Jerome Ponce, at Donny Pangilinan. Sabi ni Kiko, masuwerte siya na maidirehe ni Perci Intalan sa My Fairy Tail Love Story at ni direk Joey sa Walwal. 

Anyway, ka-love triangle nina Elmo at Janella Salvador si Kiko sa My Fairy Tail Love Story.

comments powered by Disqus

mofuse.com