Aktres na may emphysema tuloy ang pagyo-yosi!

ABOUT SHOWBIZ By Nitz Miralles

May sakit daw na COPD (Chronic Obstructive Pulmonary Disease) ang isang aktres dala ng paninigarilyo. Sabi sa Google, dalawang kla­se ang COPD, may chronic bronchitis at emphysema.

At emphysema meron ang aktres dahil sa ilang taong paninigarilyo.

Pero mukhang walang balak tumigil sa pagyoyosi ang aktres kahit sinabihan na ito ng mga kaibigang tumigil para hindi lumala ang sakit. Naalala nga namin, sa isa nitong presscon, bigla itong nawala sa presidential table kung saan nakaupo ang mga artistang kasama sa pelikula.

Akala ng mga reporter, magsi-CR ang aktres dahil sinamahan pa ng alalay. ‘Yun pala maninigarilyo sa likod ng venue. Kaya lang, may mga reporter na nakakita sa kanya habang nagyoyosi at hindi na sila nagulat sa balitang may sakit ito ngayon.

Alden kuhang-kuha ang kilos at mannerisims ng may autism

Sa mga nakaka-miss mapanood sa dra­ma si Alden Richards, panoorin ang Len­ten special ng Eat... Bulaga titled Kapa­tid. Mu­ling nagpamalas dito ng husay sa pag-arte ang aktor sa role ng isang mentally challenged man. May comment sa teaser na may mga kamag-anak na may autism na kuhang-kuha daw nito ang tingin, kilos, at man­nerism ng may ganitong klase ng sakit.

Kasama ni Alden sa episode sina Ryan Agoncillo as his brother, Pia Guanio-Mago, Jerald Napoles, at Ruby Rodriguez. Si Bb. Joyce Bernal ang director ng episode na tiyak magpapaiyak sa viewers.

Anyway, kung magpapaiyak si Alden sa Ka­patid, patuloy itong nagpapakilig sa Destined To Be Yours kasama si Maine Mendoza.

Samantala, tuloy ang paghahanda ni Alden at ng GMA Network kasama na ang GMA Ar­tist Center sa Upsurge concert ni Alden sa Kia Theater na gaganapin sa May 27. Sa direction ito ni GB Sampedro at musical director si Marvin Querido.

Janella gaganap na serena sa movie nila ni Elmo

Hindi na lang sa TV mapapanood ang love team nina Elmo Magalona at Janella Salvador dahil may gagawin silang pelikula to be directed by Jun Lana at produced ng The IdeaFirst Company for Regal Films Entertainment.

Nag-storycon na ang pelikulang may pamagat na My Fairy Tail Love Story. Sa initial poster na inilabas, makikita ang buntot ng isang sirena at sa “Tail” sa title ng movie, ibig sabihin kaya nito ay sirena ang role ni Janella?

Nauna nang nag-location hunting ang team bago pa ang presscon. Malapit nang simulan ang shooting nito kung ganoon.

Ruru hindi raw playboy​

May depensa ang headwriter ng Encantadia na si Suzette Doctolero sa mga nagrereklamo sa karakter ni Ruru Madrid sa fantaserye. Ginawa raw kasing babaero si Ybra­him (Ruru) dahil nagkarelasyon ito kay Alena (Gabbi Garcia), nagkaanak kay Amihan (Kylie Padilla) at ngayon, nagkakagusto na kay Ariana (Arra San Agustin).

Sagot ni Suzette: “Pls. bago n’yo sabihing babaero si Ybrahim, think: last relasyon niya ay 12-15 yrs ago kay Amihan. Day, ‘di siya playboy. Tigang pa, oo!”

May ilang viewers kasing nagalit kay Ruru dahil paiba-iba raw ng babaeng minamahal. Lalo namang ma­ra­mi ang nagalit kay Arra at na-bash ito. Sinabihan pa siyang hindi mapapalitan si Kylie.

comments powered by Disqus

mofuse.com