‘Tulak’ ng shabu binoga

By Rhoderick Beñez

NORTH COTABATO, Philippines — Pinaniniwalaang onsehan sa droga ang dahilan sa pagpaslang sa isang 33-anyos na drug pusher matapos siyang pagbabarilin ng isang di nakilalang gunman naganap sa hangganan ng Brgy. Fort Pikit at Brgy. Batulawan Pikit, North Cotabato.

Kinilala ang napatay na si Doks Agay Montok na residente ng Batulawan ng nabanggit na bayan. Duguan at naliligo sa sarili nitong dugo nang madatnan ng pulisya si Montok matapos na paslangin ng ‘di pa nakilalang gunman dakong alas-7:10 ng gabi, kamakalawa. 

Sinabi ni P/SI Arvin John Cambang, ang Deputy chief of Police ng Pikit PNP na ang biktima ay sinasabing nagtutulak ng ipinagbabawal na droga batay sa mga reklamo sa kanilang barangay.  Malaki ang paniniwala ni Cambang na onsehan sa droga ang isa sa mga dahilan ng pagpaslang.

comments powered by Disqus

mofuse.com