Banta ng lahar, pagdausdos ng tipak ng bato sa Mayon, binabantayan

By Jorge Hallare

image

Patuloy na nagbubuga hanggang kahapon ng makapal na abo ang bulkang Mayon sa Daraga, Albay. (Kuha ni KJ Rosales)
 

Legazpi City, Albay  , Philippines  — Patuloy na binabantayan ng mga eksperto sa Albay ang papasok na LPA sa bansa at kung may bagyong mamumuo dahil sa malaking banta nang lahar at pagdausdos ng mga malalaking bato at iba pang deposito sa katawan ng Mt. Mayon.

Ayon kay Dr.Eduardo Laguerta, resident volcanologist ng Phivolcs, umabot na sa 67-milyong tonelada ng lava, abo at malalaking bato ang iniluwa nang patuloy na aktibidad ng bulkan kung saan 18.3 milyong kubiko dito ang loose material na karamihan ay bato na posibleng dumausdos pababa kung magkaroon ng malalakas na pag ulan dala ng low pressure area o bagyo. Maliban sa bagong inilabas ng bulkan, pinangangambahan din ng Phivolcs na kasamang dumausdos ang lumang mga deposito na dati nang iniluwa sa nakaraang mga pagputok ng bundok.

Pinag-aaralan din ng Apsemo at PDRRMC ang banta ng iligal na quarry operation sa katawan ng Mayon dahil sa nagagalaw at nababago ng mga malalaking quarry operator ang mga daluyan ng lava at lahat padiretso sa mga residente at mga sakahan sa paligid ng bundok.

Sinabi ni Dr. Cedric Daep, hepe ng APSEMO na kailangang magkaroon nang batas sa paglilimita ng quarry operation sa paligid ng bulkan sa pamamagitan nang Sanguniang Panlalawigan ng Albay.

Related video:

comments powered by Disqus

mofuse.com