Munisipyo binarikadahan ng supporters ng suspendidong Bataan mayor

image

MANILA, Philippines —  Binarikadahan ng mga taga suporta ni Orion, Bataan Mayor Antonio Raymundo ang munisipyo bilang pagkontra sa suspensyon ng alkalde.

Naglagay ng mga tent ang mga taga suporta ni Raymundo sa harap ng munisipyo habang inokupahan naman ng iba ang una at pangalawang palapag ng gusali mula Biyernes nitong nakaraang linggo.

Nagsagawa rin sila ng kilos-protesta upang ipahayag ang kanilang pagkadismaya sa utos ng Office of the Ombudsman.

Nag-report sa trabaho si Raymundo kahapon habang hinihintay aniya ang hatol ng Court of Appeals para sa kaniyang hirit na temporary restraining order.

Siyam na buwang suspensyon ang ipinataw sa alkalde matapos siyang mahatulang guilty sa oppression.

Sinuspinde si Raymundo matapos magreklamo si budget officer Carmelita Waje na pinaalis umano ng alkalde sa kaniyang opisina at ilagay sa floating status noong 2013.

Inalis umano si Waje matapos siyang maakusahan ng malversation of public funds na nagkakahalaga ng P400,000.

comments powered by Disqus

mofuse.com