2 most wanted timbog

By Boy S. Cruz

image

Pinagpa-‘piano’ ng tauhan ni P/Supt. Orlando Castil Jr. ang murder suspek na si Errol Frieza matapos itong maaresto dahil sa kasong pagpatay sa lalaking obrero noong 2016 sa Brgy. Ligas, Malolos City, Bulacan. Kuha ni Boy S. Cruz

BULACAN, Philippines - Dalawang most wanted persons na may nakabinbing kasong kriminal sa korte ang nalambat ng pulisya matapos na matunton ang pinagtataguan ng mga ito sa magkahiwalay na lugar sa Brgy. Santa Rita, Guiguinto at Brgy. Mapulang Lupa sa bayan ng Pandi, Miyerkules ng gabi. 

Hindi na nakapalag pa nang arestuhin ang mga suspek na sina Errol Frieza, 22, residente ng Brgy. Ligas sa bayan ng Malolos City at Sammy Dimacutac, 30, tubong Rizal, Mindoro Occidental at nakatira sa Brgy. Mapulang Lupa sa Pandi. 

Sa ulat ni P/Supt.Orlando Castil Jr. ng Guiguinto MPS, dakong alas-6:30 ng gabi nang salakayin ng kanyang mga tauhan ang isang bahay sa  Brgy. Santa Rita, Guiguinto matapos na makumpirmang nagtatago ang suspek na si Frieza. 

Sa bisa ng dala nilang warrant of arrest para sa kasong murder ay agad na naaresto ang suspek.

Samantala, arestado din sa mga tauhan ni P/CInsp. Manuel De Vera ng Pandi MPS si Dimacutac matapos na ipakita ang warrant of arrest para sa kasong Rape in Relation to R.A. 7610 at walang inirekomendang piyansa saka ipinasa sa mga kagawad ng pulisya ng PRO 4B upang ibalik sa naturang probinsya.
 

comments powered by Disqus

mofuse.com