12-anyos nene, lunod sa beach

By Jorge Hallare

Legazpi City, Philippines — Albay, Kamatayan ang sinapit ng isang 12-anyos na batang babae matapos malunod habang nagsu-swimming sa Tikling Beach Resort sa Brgy. Calintaan sa bayan ng Matnog, Sorsogon noong umaga ng Lingo ng Pagkabuhay. 

Sinubukan pang isugod sa Matnog Rural Health Unit pero dineklarang patay ang biktimang si Ashley Atanacio, residente ng Brgy. Tagbong sa bayan ng Pili, Cam Sur.

Sa police report na nakarating sa Camp Gen. Simeon Ola, dumayo pa ang pamilya at kaibigan ng biktima upang mag-swimming sa naturang beach resort ngunit bandang alas-6:40 ng umaga nang biglang hatakin sa gitna ng dagat nang naglalakihang alon ang biktima at ang kaibigang nag­ngangalang Janine Kate Maclang.

Agad pinagtulungang iligtas ng mga nakasaksi ang magkaibigan pero wala nang buhay nang maihaon si Ashley habang masuwerte namang nakaligtas si Janine.

comments powered by Disqus

mofuse.com