Magsasaka dinedo sa kalsada

By Jorge Hallare

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Napaslang ang 40-anyos na magsasaka matapos itong ratratin ng di-kilalang lalaki habang naglalakad sa bahagi ng Barangay Begia sa bayan ng Cawayan, Masbate kamakalawa ng hapon. Patay agad dahil sa mga tama sa katawan ang biktimang si Renato Tolosa ng nasabing barangay.Tinamaan naman ng ligaw na bala ng baril si Kagawad Oscar Coambot, 52. Base sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, pauwi na ang biktima nang sundan at pagbabarilin ng dalawang gunmen. Gayunman, ilang beses pa umanong pinaputukan ang biktima habang nakabulagta sa kalsada saka tumakas ang gunmen. Narekober sa crime scene ang 16 basyo ng bala ng cal. 45 pistol at cal. 9mm pistol.

comments powered by Disqus

mofuse.com