70-anyos na lolo, itinumba

By Rhoderick Beñez

KIDAPAWAN CITY  , Philippines  — Napatay ang isang 70-anyos na lolo matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakila­lang gunman, isang araw matapos itong magdiwang ng kanyang kaarawan sa Brgy. Sta. Lucia, Pagadian City, Zamboanga del Sur.

Kinilala ang biktima na si Marcial Ortega na bumulagta 100 metro ang layo mula sa kanilang tindahan sa nasabing lugar, alas-5:00 ng umaga, kamakalawa.

Ayon kay Superintendent Benito Recopuerto, pinuno ng Pagadian PNP, sa imbestigasiyon nagtamo ang biktima ng maraming tama ng bala na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Ang biktima ay isang port laborer.

Anim na mga basyo ng bala ang narekober sa crime scene mula sa calibre .45 na pistola.

Ayon sa kanyang misis na si Sita, nakakatanggap umano ng death threat ang kanyang mister, nito pang Disyembre pero di nito alam kung anu o sinong grupo.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya.

comments powered by Disqus

mofuse.com