2 pisak sa killer bus

By Tony Sandoval

QUEZON  , Philippines  —  Kamatayan ang sinapit ng magkaangkas sa motorsiklo makaraang masalpok ng pampasaherong bus sa kahabaan ng highway sa Barangay Malinao Ibaba sa bayan ng Atimonan, Quezon kamakalawa ng madaling araw. Sa ulat na nakarating kay P/Chief Insp. Alexis Nava, chief of police sa nasabing bayan, kinilala ang mga biktima na sina Leolex Bautista, 21; at Christopher Catter, 27, mga residente ng mga Barangay Poblacion at Rizal. Base sa police report, pauwi ang mga biktimang magkaangkas sa motorsiklo nang makabanggaan ang AB Liner Bus (EBX-203) ni Albert Riginio na patungong Tagkawayan, Quezon. Naisugod sa Doña Marta Hospital ang mga biktima subalit idineklarang patay dahil sa grabeng pinsala sa ulo at katawan. Nasa kustodya ng municipal police station ang driver na si Riginio ng Lopez, Quezon at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in double homicide and damage to property.

comments powered by Disqus

mofuse.com