Bus salpok sa nakaparadang FX: 3 patay!

By Joy Cantos

MANILA, Philippines — Tatlo katao ang nasawi habang 17 pa ang nasu­gatan makaraang aksidenteng salpukin ng rumaragasang pampasaherong bus ang isang nakaparadang behikulo sa tabi ng highway sa Puerto Princesa City, Palawan nitong Biyernes ng umaga.

Ayon kay Supt. Imelda Tolentino, Spokesperson ng Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) Police, dakong alas-9:10 ng umaga habang nakaparada sa tabi ng kanang bahagi ng highway ang isang Tamaraw FX nang bigla na lamang itong salpukin ng Isidro bus sa highway ng Brgy. Sta. Cruz, Puerto Princesa City.

Sa lakas ng pagkakabangga, nagtamo ng malubhang sugat ang mga biktima na mabilis na isinugod sa pagamutan para malapatan ng lunas.

Gayunman, tatlo sa kanila na hindi pa natukoy ang pagkakakilanlan ang pawang idineklarang dead-on-arrival.

Patuloy namang ginagamot ang mga sugatang biktima.

comments powered by Disqus

mofuse.com