Bids and award chairwoman, nilikida

By Boy Cruz

BULACAN  , Philippines  —  Patayan ang chairwoman ng bids and award committee at kawani ng pamahalaang bayan matapos na likidahin  ng limang hindi nakikilalang mga lalaking suspek habang papasok sa loob ng kanyang bahay sa Brgy.Fatima II sa San Jose Del Monte City Martes ng gabi.

Naisugod pa sa Sapang Palay District Hospital subalit nasawi rin habang ginagamot ang biktimang si Orpha Velasquez II, 44, residente ng Sto. Domingo St.,Brgy. Fatima II sa naturang bayan bunsod ng tinamo nitong tama ng bala sa iba’t- ibang bahagi ng kanyang katawan.

Sa imbestigasyon ni PO1 Wade Bautista dakong alas-7:15 ng gabi nang dumating ang biktima sa kanyang bahay mula sa kanyang trabaho at habang binubuksan ang gate ng bahay ay biglang dumating ang isang SUV Mitsubishi Adventure at isang motorsiklo na kapwa hindi nabatid ang plaka.

Dito na bumaba ang mga salarin saka walang sabi-sabing pinaulanan ng bala ang biktima na kaagad na bumulagta habang mabilis namang tumakas ang mga salarin sa hindi nabatid na direksyon.

Kasalukuyan pang inaalam ng mga imbestigador kung may kinalaman ang insidente sa trabaho ng biktima bilang chairwoman at iba pang anggulo at kasalukuyan ding nire- review ang mga footages sa nakalatag na CCTV camera sa naturang lugar.

comments powered by Disqus

mofuse.com