Trader ng coffee shop, utas sa holdaper

By Tony Sandoval

SARIAYA, QUEZON, Philippines — Patay ang isang negos­yante makaraang barilin at pagnakawan ng mga hinihinalang holdaper kamakalawa ng gabi sa Barangay Sto. Cristo ng bayang ito.

Ang biktima na may tama ng bala sa dibdib at ulo nang matagpuan ng kanyang mga kaanak sa damuhan ng Villa Amanda Village ng nabanggit na barangay dakong alas-10:00 ng gabi ay kinilalang si Rolando Medrano, 42, may asawa, may-ari ng Infinity Coffee Shop at residente ng purok 4, Brgy. Sto.Cristo.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-7:30 ng gabi habang nasa loob ng pag-aaring coffee shop ang biktima nang magpaalam sa mga tauhan na magtutungo lamang sa Sentrong Pamilihang Pag-agrikultura upang bumili ng kalamansi.

Nag-alala na ang mga kaanak at tauhan ng biktima nang hindi pa siya bumabalik makalipas ang dalawang oras kung kaya’t hinanap nila ito.

Nakahandusay sa da­mu­han ang biktima nang matagpuan at nawawala ang kanyang motorsiklo, cellphone at wallet na naglalaman ng P5,000 at mga ID na tinangay ng mga suspek na tinatayang nang-holdap at nagnakaw dito.

comments powered by Disqus

mofuse.com