Motorcycle rider itinumba ng tandem

By Jorge Hallare

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —  Bulagta ang 39-anyos na motorcycle rider matapos itong tambangan ng riding-in-tandem gunmen sa Purok 3, Sitio Managanaga, Barangay Oma-oma sa Ligao City, Albay kahapon ng umaga. Isinugod sa Josefina Belmonte Duran Memorial Hospital subalit idineklarang patay ang biktimang si Alexander Polidario ng nasabing barangay. Sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, dakong alas-7 ng umaga nang magreklamo sa himpilan ng pulisya ang ka-live-in na si Vanessa Penano kaugnay sa naganap na pananambang sa biktima. Walang maibigay na motibo sa pagpatay sa biktima ang ka-live-in nito. Gayunman, isa sa anggulong sinisilip ng pulisya ay love triangle na isa sa motibo sa krimen.

comments powered by Disqus

mofuse.com