Councilor itinumba sa videoke bar

By Jorge Hallare

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —  Napatay ang beteranong councilor ng barangay matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa loob ng videoke bar sa Barangay Divisoria sa bayan ng Cawayan, Masbate kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Balbino Garcia ng nasabing barangay. Sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, naitala ang krimen dakong alas-7:30 ng gabi habang nasa loob ng bar si Garcia. Nabatid na nakaupo ang biktima nang lapitan at ratratin ng tandem gunmen. Nang masigurong patay na ang biktima ay kaagad tumakas ang gunmen habang patuloy sa ginagawang imbestigasyon.

comments powered by Disqus

mofuse.com