4 tigok sa road mishaps

By Raymund Catindig

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  —  Apat-katao ang natigok sa magkahiwalay na salpukan ng motorsiklo laban sa truck sa mga bayan ng Cordon at San Manuel sa Isabela kamakalawa.
 Patay si Rosheila Valdez at kaangkas na si Edgardo Ped na kapwa nakatira sa Brgy. Caquilingan, Cordon nang mang-agaw ng linya at salubungin ang Isuzu Elf truck (TTN 264) na minamaneho ni Mark Dela Cruz, 35, sa Barangay Magsaysay ng nasabing bayan. Samantala, magkatulad na aksidente ang nai-report sa bayan ng San Manuel matapos salpukin ng motorsiklo ni Edwardo Sanchez ang kasalubong na 10-wheeler truck (RHU 868) ni Cesar Orzame, 36, sa Barangay District 1.
Isinugod si Sanchez at kaangkas na si Roseller Acupido, 57, sa Roxas District Hospital kung saan sila idineklarang patay.  Arestado naman ng pulisya ang dalawang drayber ng trak matapos ang sakuna.

comments powered by Disqus

mofuse.com