Biyuda pinilahan saka inutas ng 8 senglot

By Joy Cantos

MANILA, Philippines — Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 42-anyos na biyuda matapos itong pilahan ng walong senglot ay pinukpok pa ang kanyang mukha ng malaking tipak na bato saka inabandona sa masukal na bahagi ng Barangay Pase sa bayan ng San Dionisio, Iloilo, ayon sa ulat kahapon.

KInilala ang biktima na si Mary Jane Hipolito na nagsisimulang maagnas ang katawan nang madiskubre ng mga awtoridad ang krimen.

Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, ang hubu’t hubad na katawan ng biktima ay natagpuan kamakalawa na may ilang araw na ang nakalipas matapos itong dumalo sa party pero na­bigong makauwi.

Ayon sa imbestigasyon, natagpuan ni Remy Montejo ang naagnas ng bangkay ni Hipolito habang nagpapakain ito ng mga alagang baboy bandang alas-10:40 ng umaga.

Kaagad namang rumes­ponde ang ilang tauhan ng Scene of the Crime Ope­ratives (SOCO) sa crime scene kung saan basag ang mukha ng biktima dahil sa pukpok ng tipak na bato.

Sinasabing huling na­ma­taang buhay ang biktima habang nagsasayaw at nakikipag-inuman sa birthday party na kaniyang dinaluhan sa kanilang lugar.

Namataan din ang biktima na nakikipag-usap at kasama ng walong hindi kilalang lalaki sa pagitan ng alas-7 ng gabi noong Sabado (Enero 6) hanggang ala-una ng madaling araw subalit hindi na ito nakauwi.

Narekober din sa crime scene ang malaking tipak na bato na sinasabing ibinagsak sa mukha at ulo ng biktima.

comments powered by Disqus

mofuse.com