2 tigok, 5 sugatan sa road mishap

By Raymund Catindig

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Dalawang katao ang nasawi habang lima ang sugatan sa magkahiwalay na aksidente sa Peñablanca at Iguig, Cagayan kamakalawa. 


Sa report na nakarating kay Chief Insp. Joefferson Gannaban, hepe ng PNP Peñablanca; nawalan ng kontrol si Edmar Baui, 31 sa kanyang traysikel habang binabagtas ang pabulusok na kalsada at sinalpok ang isang concrete barrier sa Barangay Patagueleg.
 

Sa lakas ng impact ay humiwalay ang motorsiklo sa sidecar nito habang tumilapon at nagpagulong-gulong sa kalsada si Baui at mga pasaherong sina Jaylard Mabilog, 22, Michelle Mabini, 18, Jerald Dela Cruz, 22, Redence Visario, 25 at Jonel Visario, 27. 


Itinakbo sa pagamutan ang mga biktima at tanging si Jonel Visario lamang ang hindi nakaabot ng buhay.
 

Samantala tigok si Guiller Sequelan nang mawalan ng kontrol sa motorsiklo at tumbukin ng kasalubong na Toyota Fortuner na minamaneho ni Victor Menendez,  25 sa kabilang linya ng highway ng Barangay Nattazan, Iguig.


Isinailalim ng pulisya sa kanilang kustodiya ang nasangkot na drayber ng SUV sa aksidente.

comments powered by Disqus

mofuse.com