Shootout: Mag-utol na gun runner dedo

By Joy Cantos at Rhoderick Beñez

MANILA, Philippines — Napatay ang  mag-utol na sinasabing notoryus na miyembro ng gun running syndicate makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa ikinasang operasyon sa Sitio Lote sa Barangay Kayaga, bayan ng Kabacan, North Cotabato kahapon ng madaling araw .

Kinilala ni P/Supt. Bernard Tayong, spokesman ng North Cotabato Police ang mga napatay na sina Kobe Abdul Kaludin at Dorex Abdul Kaludin na may alyas Dario Abdul.

Ayon kay Tayong, sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Eugene David Tancinco ng 3rd Municipal Trial Court ng Kabacan ay sinalakay ng mga awtoridad sa pinagtataguan ng mga suspek.

Gayunman,  sa halip na sumuko ay nagpaputok ang mga ito ng baril na nauwi sa shootout sa pagitan ng magkabilang panig.

Nakatakas naman ang dalawang suspek na sina Boy Talipasan Usman at Randy Abdul Kaludin.

Narekober sa encounter site ang cal. 38 revolver na may tatlong cartridge, homemade shotgun na may mga bala, dalawang cartridge ng shotgun, cal. 45 pistol, mga bala, Granada at motorsiklo.

comments powered by Disqus

mofuse.com