28 nailigtas sa lumubog na bangka

By Tony Sandoval

QUEZON, Philippines — Dahilan sa mabilis na pagresponde ng mga mangingisda ay nakaligtas sa tiyak na kapahamakan ang 23 pasahero at 5 tripulante makaraang lumubog ang motorized banca sa karagatang sakop ng Barangay Dinahican sa bayan ng Infanta, Quezon kamakalawa ng hapon. Base sa ulat ng Philippine Coast Guard Infanta station, patungo sa bayan Panukulan, Quezon ang M/B Recto lulan ang mga biktima subalit nang nasa layong 1 nautical mile na sila ay biglang pinasok ng tubig ang motorized banca at mabilis na lumubog. Mabilis namang rumesponde ang mga ma­ngingisda kaya isa-isang na-rescue ang mga pasahero at mga tripulante. Nabatid na nagkaroon ng bitak sa ilalim ng bangka dahil sa malalaking alon.

comments powered by Disqus

mofuse.com