P2-M halaga ng paninda, naabo

By Rhoderick Beñez

KIDAPAWAN CITY, North Cotabato, Philippines — Aabot sa P2 milyong halaga ng paninda ang naabo makaraang masunog ang kabubukas pa lamang na Franz Lara Marketing sa kahabaan ng highway sa Barangay Osias, bayan ng Kabacan, North Cotabato kahapon ng umaga. Ayon kay Fire Inspector Marleap Nabor, naganap ang sunog bandang alas-7:50 ng umaga kung saan umabot sa ikatlong alarma. Naideklarang fire out ang sunog, makalipas ang isang oras kung saan wala namang may naiulat na namatay o nasaktan. Pinaniniwalaang nag-init na electrical wire na nauwi sa pagkasunog ng nasabing palengke habang patuloy naman ang imbestigasiyon.

comments powered by Disqus

mofuse.com