Kagawad utas sa tandem

By Boy S. Cruz

MANILA, Philippines — Hindi na maipagpapatuloy ng isang incumbent na barangay kagawad ang kanyang ambisyon na magpatuloy sa panunungkulan para sa nalalapit ng halalan sa Mayo matapos siyang patumbahin ng isang riding-in-tandem sa Brgy. Mabalasbalas sa bayan ng San Rafael, Bulacan, nitong nagdaang umaga ng Easter Sunday.

Nasawi noon din bunsod ng ilang tama ng bala sa katawan ang biktimang kinilalang si Jaime Vasallo, 46, residente ng naturang barangay.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Rypson Quirijero dakong alas-8:30 ng umaga ay kasalukuyang nakaupo sa pag-aaring bisikleta ang biktima na nasa tapat ng kanyang bahay nang biglang sumulpot sa kanyang harapan ang mga suspek lulan ng isang motorsiklo at walang sabi-sabing pinagbabaril ito nang malapitan hanggang sa duguang bumulagta sa kalsada.

Nang masigurong ‘di na humihinga ang biktima ay agad namang tumakas sa hindi nabatid na direksyon ang mga salarin.

Narekober sa crime scece ang apat na basyo ng bala mula sa .45 kalibre habang nabatid sa imbestigasyon na nakatakdang tumakbo bilang barangay chairman sa darating na eleksyon ang biktima.

comments powered by Disqus

mofuse.com