CAFGU itinumba sa videoke bar

By Rhoderick Beñez

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Pinabulagta ng ‘di pa nakilalang mga suspek ang isang bagitong miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit o CAFGU habang nakikipag-inuman sa loob ng isang videoke bar sa Sitio Palcata, Barangay Datu Ladayon, Arakan, North Cotabato.Tadtad ng tama ng bala ang biktima na si Tani Adiaman, nasa hustong gulang ng nasabing lugar. Sa ulat kay P/Supt. Bernard Tayong, spokesperson ng Cotabato Provincial Police Office, alas-8:30 nitong Huwebes ng gabi habang nag-iinuman ang biktima kasama ang iba pa sa loob ng isang bar nang dumating ang mga suspek at pilit na tinangay ang biktima. Dinala ang biktima sa madilim na bahagi ng lugar at dito na nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril ang mga residente.Patay na nang madatnan ang biktima ng kanyang mga kasamahan dahil sa tama ng mga bala sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan.

comments powered by Disqus

mofuse.com