Magsyota arestado sa drug trade

By Cristina Timbang

CAVITE, Philippines —  Kalaboso ang magsyota na sinasabing notoryus na drug peddler na nasa drug watchlist ng pulisya makaraang masakote sa inilatag na anti-drug operation sa Barangay Salitran 1, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Mariann Andoque, 38; at  Kenny Kris Topacio, 33, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Base sa police report na nakara­ting sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, narekober sa mga suspek ang limang plastic sachet na shabu, mga drug paraphernalia at ang P500 marked money.

comments powered by Disqus

mofuse.com